For the English version of this article, click here.
Maaaring palitan ang assigned courier sa loob ng isang oras pagkatapos ng checkout o bago ma-arrange ng seller ang pickup (kung alin ang mauna) o kung may ibang courier options ang seller na kaya i-deliver sa address mo at tugma sa laki ng parcel.
⚠️ Note · Isang beses lamang maaaring palitan ang courier at pwede lamang ito para sa Standard Options. · Iwasan ang pagpalit ng courier para sa mga malalaking orders, dahil baka hindi kayang i-handle ng bagong courier ang laki o sukat ng parcel—na pwedeng magresulta sa failed o canceled na order. |
Pumunta sa Me tab > To Ship > piliin ang order mo > sa ilalim ng Shipping Information, piliin ang CHANGE > pumili ng available na courier > Confirm.
Kung nakatanggap ka ng error habang binabago ang courier, maaaring dahil sa mga sumusunod:
Pinalitan na ang shipping option (isang beses lamang ito pwedeng gawin).
Ang seller ay may isang courier lang na available o isang courier lang ang available sa iyong area.
Na-arrange na ang shipment, o nakuha na ng courier ang item.
Lumipas na ang 1 oras mula nang ilagay ang order (lampas na sa cut-off time).
Kapag alam mo na ang assigned na courier, maaari mong i-track ang iyong order sa app.
Kung nabigo ang delivery, alamin ang mga dahilan ng unsuccessful delivery.
Kung hindi pa dumating ang iyong order sa estimated delivery date, alamin pa ang mga detalye.
Para sa tracking o mga urgent na delivery concerns, makipag-ugnayan direkta sa Shopee Supported Logistics partners.