Hi, how can we help?

[Return Refund] Why is my return/refund request status shown as Case under review? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Kung ang status ng return/refund request ay Case under review, ito ay kasalukuyan nang tinitingnan ng Shopee. Kapag nakumpleto na ang review, ang status ng iyong return/refund request ay agad na maa-update at magno-notify ito via in-app notification at email.

 

Return-refund-under-case-review-on-Shopee-App.gif

 

 

Depende sa klase ng iyong request, maaari kang hingian ng additional evidence upang makatulong na mapabilis ang review process.

 

Narito ang mga uri ng evidence na maaari mong i-provide sa iba’t-ibang klase ng return/refund reasons:

 

Damaged item

  • Litrato at/o unboxing video ng parcel at ng mismong product (hal. pagpapakita ng parte na may damage o kung paanong hindi ito gumagana as intended)

  • Litrato at/o video na ipinapakita ang loob at labas na packaging ng parcel na natanggap

  • Litrato ng AWB/consignment note na nakadikit sa parcel

 

Expired product

  • Litrato o  video na nagpapakita ng expiration date ng (mga) item na natanggap

  • Litrato o video na nagpapakita ng harap, likod, at ng bawat gilid ng external packaging bago ito buksan. Tiyakin na ang Air Waybill (AWB) ay nababasa.

 

Missing part of the order

  • Litrato at/o unboxing video ng natanggap na parcel at ng laman nito

  • Litrato ng Air Waybill (AWB)/consignment note na nakadikit sa parcel na nagpapakita ng content/weight ng parcel na dapat mong natanggap

 

Seller sent wrong item

  • Litrato at/o unboxing video ng parcel at product na natanggap

  • Screenshot(s) ng actual product mula sa seller’s listing

  • Litrato ng AWB/consignment note na nakadikit sa parcel

 

Counterfeit product

  • Litrato at/o unboxing video ng parcel, ng product, at packaging nito

  • Litrato ng AWB/consignment note na nakadikit sa parcel

  • Supporting documentation na nagpapakita ng features ng authentic product (hal. serial number, brand logo, mga litrato galing sa official website)

 

 

⚠️ Tandaan

• Kailangan mong makapag-provide ng mga kinakailangang evidence sa loob ng 1 araw upang maisagawa ang review. Tiyakin na ang mga evidence na ibibigay ay mataas ang quality at malinaw. 

• Kung mababa ang quality ng mga evidence, ikaw ay ino-notify at bibigyan ng karagdagang 1 araw para makapagbigay ng mga bagong evidence. Kundi, ang Shopee ay magde-desisyon base sa mga evidence na available.

• Para sa mga refund-only cases, maaaring direktang aprubahan ng seller ang iyong request kung sang-ayon ito dito. Ang refund-only option ay applicable lamang para sa mga sumusunod na reasons:

• Kulang ang bilang o may nawawalang accessories

• Hindi dumating ang parcel

• Mga produktong nasa kategorya ng Perishables at Digital Products and Services

 

Returns for items in original/sealed condition

  • Mga litrato at/o video na ipinapakita ang product sa kanyang original quality at quantity bago ito muling i-package for returns.

  • Mga litrato at/o video ng product(s) na nakabalot na sa returns package.

 

Was this article helpful?
Yes
No