For the English version of this article, click here.
Kung ikaw ay nakakaranas ng mga unexpected error o issues sa iyong Shopee App, inirerekomenda naming gawin ang mga sumusunod na troubleshooting tips:
Tandaan na hindi mo kailangang gawin ang lahat ng troubleshooting tips, hanapin lamang kung ano ang magiging angkop para sa iyo.
Para sa Mobile App
- I-close at buksan muli ang Shopee App
- I-force close ang Shopee App upang ma-refresh ang running background
- Para sa iOS: Sa home screen, mag-swipe up mula sa ilalim ng screen at huminto sa bandang gitna, tapos ay mag-swipe right o left para piliin ang app na gustong i-close. I-swipe up ang app’s preview para ma-force close ang napiling app.
- Para sa Android: Buksan ang Settings application, mag-scroll down at pindutin ang “Application Manager”, hanapin sa “Download” list ang app at pindutin ito. Pindutin ang “Force Stop” para tuluyang mai-close ang app sa iyong device.
- I-close ang lahat ng running apps
- Mag-log out/log in sa iyong Shopee account
- I-restart ang iyong device
- Kung ikaw ay connected via mobile data/3G/4G, subukang mag-connect sa mas stable na internet connection
- Kung ikaw ay gumagamit ng home Wi-Fi connection, subukang i-restart ang modem upang ma-refresh ang internet connection
- Subukang gumamit ng ibang device gaya ng mobile phone, desktop, o laptop
- I-clear ang app cache
- Tiyakin na ang iyong app ay laging updated
- Subukang i-uninstall at re-install ang iyong app
- Siguraduhin na tamang account ang naka-logged in
Para sa Website
- I-clear ang web cache
- Isara lahat ng running windows
- Subukang gumamit ng ibang browser (hal: Google Chrome, Safari, Firefox, etc)
- Mag-switch sa incognito o private browser mode
- I-restart ang modem ng iyong Wi-Fi o internet connection
- Subukang magpalit ng ibang internet source
- Mag-log out/log in sa iyong Shopee account
- Gumamit ng ibang device gaya ng computer, laptop, iPad, o mobile device
- I-restart ang iyong device
- Siguraduhin na tamang account ang naka-logged in
⚠️Note
Kung ikaw ay buyer at hindi makapag-checkout, tiyakin na ang lahat ng fields (products, payment type, vouchers, shipping) ay napunan na, o di kaya’y sumubok ng ibang product.
Kung ang issue ay di pa rin nalutas, nire-rekomendang kunan ang app ng screenshot at video recording, at ilista kung ano ang gamit na device o software program bago kami kontakin.
Alamin ang mga Payment FAQs at kung ano ang dapat gawin kung hindi ka naka-receive ng email verification code.