For the English version of this article, click here.
Ang Shopee Self Pick-Up ay isang shipping option kung saan maaari mong kunin ang iyong order sa lugar na convenient at malapit sa iyo. Maaari ka ring makatipid at magamit ang mga shipping discounts sa pagpili ng Self Pick-Up.
Makatatanggap ka ng notification kapag ang iyong order ay maaari nang kunin sa Pick-Up point at mayroon ka hanggang 7 araw upang kunin ng iyong order.
⚠️Tandaan Ang Self Pick-Up ay maaaring available lamang sa ibang produkto. Pwede mong i-chat ang seller para malaman kung ang Self Pick-Up ay available bilang shipping option. |
Hanapin ang iyong Pick-Up point nang walang hirap gamit ang Call or Map button
Pumunta sa My Purchases > To Receive > Piliin ang order na ready na for Shopee Pick-Up > Pindutin ang Call o View Map button.