For the English version of this article, click here.
Narito ang 2 paraan para makuha mo ang iyong refund:
Mag-request ng wallet refund mula sa ShopeePay merchant.
Mag-request ng cash refund mula sa ShopeePay merchant.
Dapat i-file ang mga refund sa loob ng 7 calendar days mula sa petsa ng transaksyon. Makukuha mo ang refund sa iyong wallet sa loob ng 5 working days.
Maaari kang makakuha ng refund kung ikaw ay nagbayad ng higit sa kinakailangan, tulad ng sa mga sitwasyong ito:
Kung ang iyong ShopeePay balance ay ibinawas ng higit sa isang beses
Maling payment amount ang iyong nailagay
Inulit mo ang pagbabayad matapos makita na ang unang transaction ay failed sa merchant’s system
⚠️Tandaan • Bago mag-request ng refund, maaaring mong subukan ang troubleshooting: • Kung ang ShopeePay merchant’s system ay nagpapakita ng Failure, i-refresh ang iyong Shopee App upang makita kung ang transaksyon ay na-update sa merchant’s end. • Kung makakita ka ng error message, i-update ang iyong Shopee App bago magpatuloy. • Posibleng mai-deposito ang refund sa iyong bank account kung ang halaga ay lumampas sa iyong ShopeePay balance limit. Maaaring mangyari ito kung nag-top up ka sa iyong balance at nagkaroon ng multiple wrong payments. |