Q: Kailangan ko bang bayaran ang return shipping fee?
A: Hindi. Kapag Drop Off ang iyong pinili, walang kailangang bayaran na anumang shipping fee. Dalhin lamang ang iyong parcel via drop-off sa J&T Express.
Samantala, kung ang iyong pinili naman ay Self Arrange (gamit ang ibang couriers) upang ibalik ang parcel, ang return shipping fee ay kailangang sagutin muna ng Buyer at ito ay mare-refund sa sandaling makumpleto na ang refund process.
Q: Kailangan ko bang bayaran ang extra packaging materials o ang printed return label na ginamit ng J&T Express staff?
A: Ang mga J&T Express pouch at ang pag-print ng return labels ay walang bayad. Gayunman, anumang additional packaging (boxes) na kailangan ng Buyer ay dapat bayaran ng Buyer.
Q: Pwede ba ang J&T Express para sa pag-return ng bulky item?
A: Sa kasalukuyan, maaari lamang magpadala ng mga return items na may timbang na di-hihigit sa 50 kg.
Q: Kailangan ko bang mag-provide ng sarili kong packaging materials?
A: Nirerekomenda namin na gamitin ang original packaging ng item na iyong natanggap. Ang J&T ay magpo-provide lamang ng pouches at packaging tapes sa branch. Ang mga high-value, fragile, o mga items na idineliver nang nasa box packaging - ay dapat dalhin kasama ang original box packaging. Tiyakin na hindi muna ito selyado upang ma-inspect muna ito ng J&T staff. Maaaring i-reject ng J&T ang iyong parcel matapos ang inspection ng items at packaging nito.
Q: Ano ang dapat kong ipakita sa J&T Express staff para sa pag-return ng parcel?
A: I-download at mag-screen capture ng kopya ng iyong virtual Return Label (pindutin ang Download sa Return Instructions page) at ipakita ito sa J&T Express staff na nasa counter. Hindi kailangang i-print ang Return Label, ang J&T Express staff ang magpi-print nito para sa iyo (walang bayad).
Q: Kailangan ko bang i-upload ang aking J&T waybill?
A: Hindi. Automatic na ia-update ng J&T ang status ng return matapos ang drop off. Kung walang nakitang status update sa loob ng 24 oras, maaaring kontakin ang Shopee Customer Service via chat.
Q: Pwede ko bang i-cancel ang aking return request kung ang parcel ay on-the-way sa Seller?
A: Hindi. Maaari lamang i-cancel ang iyong return request kung ang parcel ay nasa iyo pa. Alamin ang pinaka-malapit na J&T branches sa iyo.
May dalawang (2) paraan para mag-return ng order:
Drop Off via J&T
Self Arrange gamit ang iyong preferred courier
Alamin ang iba pang tungkol sa pag-raise ng return and refund request at pagkuha ng refund.