For the English version of this article, click here.
Para makita ang mga discounted na produkto sa piling dami lamang, pumunta sa Product Details page ng item > mag-scroll pababa hanggang sa Specifications section para makita ang kasalukuyang discounted price. Maaari mo ring makita ang mga discounted available stocks na maaari mong bilhin.
Paano kung mas marami ang nais bilhin kaysa sa purchase limit na nasa Product Detail Page?
Kapag nagdagdag ka ng higit sa allowable purchase limit na pasok sa discounted price, may lalabas na warning message na nagsasabing ang discount ay hindi gagana kapag lumagpas sa limit.
Paano kung mas marami ang nais bilhin kaysa sa purchase limit na nasa Add to Cart page?
Sa Add to Cart page, kung nagdadag ka ng mas kaunti o katumbas ng allowable purchase limit para sa discounted price, lalabas ang parehong discounted promotional price na nasa Product Details page.
Pero kung nagdagdag ka pa ng mas marami sa allowable purchase limit, may lalabas na warning pop-up na nagsasabing lumagpas ka na sa purchase limit na pasok sa promotional item, at ang presyo nito ay magbabago sa susunod na promotional price.
⚠️Tandaan • Kung gusto mong i-checkout ang item sa original price, pwede mong i-checkout ang discounted item muna para magamit ang promotion. Pagkatapos ay sunod na i-checkout ang item na may original price sa hiwalay na order • Kung gusto mo lang i-checkout ang item na may discount price, maaaring bawasan ang dami ng bibilhin bago pindutin ang Add to Cart at makikita mo ang current discounted price sa Add to Cart page. |