Hi, how can we help?

[Shipping Returns] How do I pack my parcel for return/refund? (TAG)

For the English version of this article, click here.

 

 

Para sa SPX Returns (simula 14 July 2025)

Iabot lang ang return item sa SPX rider. Ang SPX na ang bahala sa pag-pack at pag-attach ng airway bill (AWB). SPX rin ang magpo-provide ng lahat ng packaging materials tulad ng pouches, boxes, bubble wrap, cling wrap, printed AWBs. Kukuhanan ng rider ng litrato ang item bago at pagkatapos ito i-pack bilang proof.

 

Para sa Other Couriers

  • I-pack nang maayos at secured ang item gamit ang original packaging (hal. box o poly mailer na may bubble wrap) para maiwasan ang damage habang nirere-turn sa seller o Shopee Warehouse.


Kung sira na ang original packaging, sundin ang mga ito:

  • Siguraduhing kumpleto ang return items, accessories, at documentation

  • Balutin ang produkto ng 1–2 layers ng bubble wrap o diyaryo at i-secure gamit ang tape
    Ilagay sa tamang laki ng corrugated box (hindi sobrang laki o sobrang liit) at i-seal nang maayos

  • Kung pouch ang gamit, piliin ang tamang size, siguraduhing snug ang fit, at may espasyo para sa airway bill

  • Iwasan ang maluwag na packaging na may sobrang space sa loob

  • Isulat ang Request ID at Return Tracking Number (para sa SPX Express o J&T Express returns) sa pouch o box para mas madaling ma-track.


Para sa fragile items, lagyan ng label ang parcel gaya ng “Fragile,” “Handle with care,” o “This side up” para maalala ng courier na ingatan ito.

 

 


Siguraduhing nakaayos nang maayos at nasa original condition ang product(s) na irere-turn, kasama ang lahat ng original inclusions tulad ng:

  • Brand packaging

  • Free gifts

  • Warranties

  • Tags

  • Manuals

  • Accessories


Para mas mapabilis ang processing ng return mo, maglagay ng note sa loob ng parcel na may:

  • Iyong Shopee username

  • Order ID o Return ID

  • Reason for return (hal. damaged, defective, o wrong item)


⚠️Tandaan

· Shopee ay hindi responsable sa anumang damage sa return parcel na dulot ng hindi maayos na packaging.

· Maaaring dumaan ang parcel sa maraming handling points gaya ng loading, unloading, at sorting, kaya siguraduhing secure ang packaging para makayanan ang biyahe.

· Ang mga drop-off branches ay nagbibigay lang ng libreng pouches at packaging tape.

· Para sa mga high-value, fragile, o items na originally delivered in a box, siguraduhing isama ang original box packaging. Kung hindi maayos ang pagkaka-pack, maaaring tanggihan ng courier ang item.

 

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied