For the English version of this article, click here.
Ang ShopeePay ay ang opisyal na in-app e-wallet ng Shopee na regulated ng Bangko Sentral ng Pilipinas na maaaring gamitin bilang ligtas na cashless payments para sa mga sumusunod:
Mga online transactions sa Shopee - hal. Shopee orders, pagbili ng mobile load, at pagbabayad ng mga bill
Offline (QR) transactions sa mga merchant na tumatanggap ng bayad sa pamamagitan ng ShopeePay
Pagtanggap o pagpapadala ng pera sa mga gumagamit ng Shopee, mga e-wallet, at mga bangko
Dalawang paraan para ma-access ang ShopeePay:
Mula sa Shopee App homepage, pindutin ang ShopeePay wallet
Mula sa Me tab, pindutin ang ShopeePay
Pag-activate ng ShopeePay at Fully-Verifying ng iyong Account
I-activate ang iyong ShopeePay account sa pamamagitan ng pag-accept ng terms at pag-set up ng iyong ShopeePay PIN. Siguraduhing i-verify ang iyong account upang mapataas ang iyong wallet limit hanggang ₱100,000 at magamit ang iba pang ShopeePay features.
Features | Non-verified | Verified |
Inflow Limit Cumulative na halaga na pwedeng matanggap sa loob ng ShopeePay wallet | Php 10,000 | Php 100,000 |
Outflow Limit Cumulative na halaga na pwedeng i-move out sa iyong ShopeePay wallet | Php 10,000 | Php 100,000 |
Wallet Balance Maximum amount na maaaring i-keep sa ShopeePay wallet | Php 50,000 | Php 100,000 |
Pay Shopee Orders and Digital Products Pambili o bayad sa load and e-vouchers, pay bills | ✓ | ✓ |
Scan to Pay Pambayad ng mga bilihin at sa mga participating na mga stores | ✓ | ✓ |
Send Money Sa ShopeePay accounts, bank accounts, at ibang e-wallets | ✘ | ✓ |
⚠️Tandaan Ang lahat ng non-verified users ay kailangang mag-submit ng additional information upang maiwasan na mawala ang access sa ShopeePay services. |
Para sa full terms and conditions, maaari mo itong makita dito o sa pamamagitan ng pagpunta sa Me tab ng iyong ShopeePay Wallet > Settings ⚙ > Our Policy > Terms and Conditions > basahin ang ShopeePay Terms of Service.
Para sa mga katanungan at karagdagang tulong, ang ShopeePay Customer Service.
Ang ShopeePay Philippines, Inc. ay pinapangasiwaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas.