For the English version of this article, click here.
Matapos na mag purchase ng Item Protection Service mula sa Shopee app, makakatanggap ka ng email/SMS confirmation na may link para ma-activate ito.
⚠️ Note • Para sa Cracked Screen Protection, tiyakin na mag-download gamit ang link na ipinadala sa email/SMS at i-install ang Igloo App. Dito mo maaaring i-activate ang iyong policy. • Para sa Electronics Protection, bisitahin ang Igloo Claim Portal para mag-activate. |
Pag-activate ng Item Protection Service
Pumunta sa Partner’s portal/app > i-log in ang iyong registered mobile number/email at i-type ang One-Time Password (OTP). Piliin ang policy na nais i-activate > Activate Now > ilagay ang mga necessary details > review and submit.
Makakatanggap ka ng mensahe para ikumpirma ang iyong activation submission. Sunod dito, makakatanggap ka ng email confirmation na ang iyong policy ay active na.
Alamin ang iba pang Shopee Insurance FAQs.