For the English version of this article, click here.
Para sa mga Cash On Delivery (COD) order na sineserbisyuhan ng SPX Express (Standard Local - Standard Delivery), ang mga user ay maaaring magbayad gamit ang ShopeePay, GCash, iba pang bangko, at e-wallet.
⚠️Tandaan • Ang feature na ito ay available lamang para sa mga COD orders na nakalaan sa SPX Express (Standard Local - Standard Delivery). • Ang pagpapalit ng payment method ay hindi na papayagan pagkatapos i-place ang order. |
Ang Benefits ng Scan To Pay sa Delivery
Paano piliin ang Standard Local - Standard Delivery
Pindutin ang Shipping Option (Standard Local /SPX Express) habang nasa checkout > Confirm > piliin ang Cash on Delivery bilang Payment Method > Confirm.
Kapag naihatid na ng rider ang iyong order, ipaalam sa rider na gusto mong bayaran ang COD order sa pamamagitan ng ShopeePay, GCash, iba pang bangko, o e-wallet.
Pumunta sa iyong ShopeePay, GCash, e-wallet o bank app > Pindutin ang scan > I-scan ang SPX Express rider’s QRPh code. Lalabas ang eksaktong amount para sa COD transaction > ilagay ang iyong PIN.
Alamin ang tungkol sa ShopeePay at other Shopee Supported payments. Maaari ka ding mag cash-in ng iyong ShopeePay wallet sa iyong SPX Express rider.