Hi, how can we help?

Other FAQs related to Loan Protection

For the English version of this article, click here.

1. Maaari ko bang i-cancel ang aking Loan Protection pagkatapos nitong ma-approve?

Hindi mo na maka-cancel ang serbisyo na ito pagkatapos ma-approve. Gayundin, hindi mo na rin maidaragdag pa ang naturang serbisyo pagkatapos ma-approve ang loan application. Kaya’t bago magpatuloy sa loan application, siguraduhin na tiyak at pinal na ang iyong desisyon. 


2.  Pagkatapos kong kumuha ng Loan Protection, garantisado ba na magagamit ko ang Late Fee Waiver at Group Credit Protection Insurance?

Para sa Late Fee Waiver, ito ay garantisadong magagamit sa iyong unang overdue loan repayment kung sa sakaling hindi mo nabayaran ang iyong loan sa tamang oras.

Para sa Group Credit Protection Insurance, ang coverage ay subject to acceptance ng SeaInsure at may posibilidad na ikaw ay ma-reject kung hindi mo na-meet ang SeaInsure’s eligibility criteria.


3. Anong mangyayari kung ang aking Group Credit Protection Insurance ay na-reject? 

Kung ang iyong Group Credit Protection Insurance ay na-reject, ikaw ay makakatanggap ng notification tungkol dito at hindi mo make-claim ang mga benepisyo ng Group Credit Protection Insurance sakaling mangyari ang mga events na sakop nito. Gayunman, maaari mo parin magamit ang Late Fee Waiver.


4. Paano ko gagamitin ang Late Fee Waiver? 

Hindi mo kailangang mag-apply o makipag-ugnayan sa amin para magamit ang Late Fee Waiver. Sa kaganapan ng iyong unang overdue loan repayment, ang Late Fee ay automatically na tatanggalin.


5. Kung nagamit ko na ang Late Fee Waiver nang isang beses, maaari ko bang magamit ito muli kung sakaling magkaroon ng overdue loan repayment sa hinaharap?

Ang Late Fee Waiver ay maaari lamang magamit sa unang overdue loan repayment. Para sa mga future overdue loan repayments, ang regular Later Fees ay maga-apply muli.


6. Paano mag-claim ng Group Credit Protection Insurance?

Kung sakaling mangyari ang alinmang unforeseen events, ikaw o kung sinuman sa iyong benepisyaryo sa ilalim ng Group Credit Protection Insurance ay makakapag-claim ng policy. Ang iyong mga benepisyaryo ay kailangang mag-presenta ng kopya ng policy at mga supporting documents sa isa sa aming mga ahente na siyang mag-aasikaso ng verification at claims process.

Para sa pag-submit ng personal accident claim sa ilalim ng Loan Protection, mangyaring makipag-ugnayan sa:

SeaMoney Debt Collection

Email: collectionsrecovery.ph@seamoney.com

Para sa mga detalye ng iyong coverage sa ilalim ng programa, mangyaring mag-log in sa iyong account sa https://www.seainsure.com.ph/ para ma-access ang Confirmation of Benefits.

7. Sino ang aking mga beneficiary?

Ang iyong mga beneficiary ay iyong surviving immediate family members sa sumusunod na order of preference:

a) legal na asawa

b) mga anak

c) mga magulang

d) mga kapatid (o kung wala, ang iyong mga benepisyaryo ayon sa batas).





Was this article helpful?
Yes
No