For the English version of this article, click here.
Ang Loan Protection ay isang safeguard para sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay mula sa mga hindi inaasahang pangyayari kapag humiram ka sa SLoan.
Ang buwanang service fee ay idaragdag kung pipiliin mong isama ang Loan Protection sa iyong iwi-withdraw. Ang buwanang service fee ay katumbas ng 0.2% ng kabuuang loan amount at isasama sa iyong buwanang installment amount bilang parte ng processing fee para sa buong duration ng loan period.
Mayroong dalawang benefits na maaaring makuha:
Late Fee Waiver
Aming iwe-wave ang late charge sa iyong unang overdue loan repayment, para walang problema kung wala ka pang sapat na pondo upang bayaran ito.
Group Credit Protection Insurance
Ang SeaInsure ay babayaran ang iyong outstanding loan amount kasama ang interest para sa iyo at iyong pamilya, kung ang mga sumusunod ay mangyari:
Kamatayan dahil sa aksidente
Kamatayan dahil sa unprovoked murder o assault
Kamatayan dahil sa natural na pangyayari
Kamatayan dahil sa suicide (hindi applicable sa unang 2 taon ng coverage, sa halip ay premium refund ang siyang ibibigay)
Permanent total disability
Ang mga premium para sa Group Credit Protection Insurance Policy ay babayaran ng SeaMoney bilang master Policy holder at ang Group Credit Protection Insurance Policy ay underwritten ng SeaInsure Life Insurance.
Para magamit ang Loan Protection
Habang nasa loan application, lagyan ng check ang Loan Protection upang magamit ito.
⚠️ Tandaan • Ang Loan Protection ay available kapag nag-withdraw gamit ang SLoan. • Hindi ito payment extension. Ang late fee waiver ay isang beses lamang maaaring gamitin; anumang susunod na late payments ay magkakaroon na ng late charge. |