For the English version of this article, click here.
Kung eligible ka para sa SPayLater, maaari mo itong i-activate at gamiting pambayad ng iyong mga order sa Shopee App.
Habang nasa checkout, pindutin ang Payment Option > piliin ang SPayLater > CONFIRM > Place Order > ilagay ang iyong ShopeePay PIN o i-verify gamit ang iyong biometrics (fingerprint/face ID).

Paggamit ng SPayLater para sa QR Code payment
Ipaalam sa cashier na nais mong magbayad gamit ang ShopeePay sa pamamagitan ng pag-scan sa QRPh code. Ang feature na ito ay magagamit lamang sa ilang piling tindahan.
⚠️Tandaan • Tiyakin mong piliin ang tamang payment plan (Buy Now Pay Later / Installment x3 / Installment x6 / Installment x12 for select users*) bago mag-check out, dahil hindi na ito mababago kapag naipasa na ang order. • Kung hindi mo pa na-set up ang ShopeePay, maaari mong ilagay ang verification code na ipinadala sa iyong nakarehistrong mobile number, sa halip na ShopeePay PIN. • Ang mga detalye ng SPayLater billing ay lalabas sa SPayLater page sa ika-5 o ika-25 ng buwan, depende sa iyong billing cycle, at isasama rito ang mga completed at refunded order. Tiyaking mabayaran ito sa ika-5 o ika-25 ng susunod na buwan. |
Bago ka pumili na magbayad gamit ang SPayLater, unawain ang detailed terms at conditions upang malaman kung eligible ka at kung ang mga payment plan ay akma sa iyo.
Mag-check out gamit ang SpayLater at iba pang payment method
Kung ikaw ay may bibilhin gamit ang SpayLater at hindi sapat ang iyong credit limit, maaari mong gamitin ang natitirang credit limit at idagdag ang iba pang payment method (maliban ang Cash on Delivery at Credit card) upang ipambayad.
Sa Payment Option > SPayLater > Bayaran ang pending amount gamit ang ibang payment method > CONFIRM > Place Order > ilagay ang iyong ShopeePay PIN number o ang Verification Code na ipinadala sa iyong mobile number > CONTINUE.

Alamin kung saan pa maaaring gamitin ang iyong SPayLater.