For the English version of this article, click here.
Maaari mo nang gamitin ang SPayLater sa ShopeePay at mga tindahang may QRPH. Sabihin lamang sa cashier na gusto mong magbayad gamit ang ShopeePay. Ang feature na ito ay available lamang sa piling tindahan.
Para magamit nang matagumpay ang SPayLater para sa Scan to Pay transactions:
Siguraduhing naka-activate ang iyong SPayLater.
I-check ang iyong credit limit at siguraduhing pasok ang iyong mga purchases sa loan limit mo.
Narito ang dalawang paraan upang magbayad:
1. I-scan ang QR code ng tindahan
Hanapin lamang ang blue, yellow at red logo na nasa QR code o tent card, gaya ng halimbawa:
Sa Shopee app ng iyong device, pindutin ang Scan Icon > I-scan ang QR code ng tindahan na makikita malapit sa cashier > Ilagay ang halagang dapat bayaran > Next > piliin ang SPayLater > pumili ng nais na installment plan > ipasok ang iyong ShopeePay PIN.
2. Ipa-scan sa ShopeePay Merchant ang iyong QR code
May ilang tindahan na gumagamit ng system kung saan sila ang mag-i-scan ng iyong QR code o bar code sa halip na ikaw ang magi-scan ng QR code ng tindahan. Para gawin ito, buksan ang iyong Shopee app.
Mula sa Scan page, pindutin ang Show QR Code / Barcode > Ilagay ang ShopeePay PIN > Piliin ang SPayLater bilang Payment Method > Ipakita/ipa-scan ang bagong QR code sa ShopeePay merchant.
⚠️Tandaan Sa option na ito, tanging Buy Now Pay Later option lamang ang maaaring gamitin. Kung gusto mo magbayad ng installment, i-scan lamang ang QR code ng tindahan. |