Hi, how can we help?

How do I increase my SPayLater Credit Limit? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Maaaring tumaas ang iyong SPayLater credit limit sa dalawang paraan. Maaari itong tumaas nang kusa base sa aktibong paggamit ng SPayLater at laging on-time na pagbabayad. Para sa ilang eligible users, maaari na ring mag-apply manually para sa credit limit increase.

 

Permanent Credit Limit Adjustment

Ang iyong SPayLater credit limit ay kusang tumataas sa paglipas ng panahon kapag consistent at on time ang iyong repayments. Para tumaas ang chance mong magkaroon ng mas mataas na credit limit:

  • Laging bayaran ang iyong dues on or before the due date.

  • Iwasan ang hindi pagbabayad o pag-skip ng bayad.

  • Gamitin ang SPayLater nang regular at responsibly.

  • Siguraduhing active at good standing ang iyong Shopee account.

 

Ang iyong payment history at overall account activity ay regular na nire-review. Ang pagkakaroon ng strong repayment history at responsible usage ay maaaring makatulong sa future credit limit increase considerations.

 

Ang credit limit na ito ay walang expiry date ngunit maaari pa rin itong magbago ayon sa iyong account activity at repayment behavior.

 

 

Manual Credit Limit Increase

Ang ilang eligible na SPayLater users ay maaaring mag-apply manually para sa credit limit increase? Ang proseso ay libre, madali, at mabilis. Isang dokumento lamang ang kailangang isubmit. Ngunit, may expiry date ang increase na ito.

 

Para sa iba pang detalye tungkol sa feature na ito, basahin ang article na ito.

 

 

Bakit naka-freeze ang aking SPayLater credit limit kahit wala akong overdue bills?
Ang iyong SPayLater credit limit ay maaaring ma-freeze dahil sa ilang dahilan. Maaaring kabilang dito ang:

  • Overdue o hindi bayad na SPayLater bills

  • Overdue o hindi bayad na balanse mula sa ibang credit products (hal. SLoan)

  • Unusual o kahina-hinalang activity na na-detect sa iyong account

  • Mga isyu na may kinalaman sa status o security ng iyong Shopee account



Kapag naka-freeze ang iyong limit, hindi mo magagamit ang SPayLater para sa transactions. Sa ngayon, maaari ka pa ring mag-check out ng orders gamit ang ibang payment methods na sinusuportahan ng Shopee.

 

Para maibalik ang iyong credit limit, siguraduhing nananatiling maayos ang standing ng iyong account at patuloy na bayaran ang iyong mga bills on time.



Para sa karagdagang concerns, kontakin ang Customer Service Team.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied