For the English version of this article, click here.
Ang Electronics Protection ay sasagutin ang iyong electronic devices/appliances kung ito ay magkaroon ng accidental at liquid damage. Sagot din ang damage o pagkawala nito na dahil sa pagnanakaw na may forcible entries.
Sa pagkakataong ito ay mangyari sa iyong eligible device, maaari kang mag-submit ng claim sa aming service partner upang makakuha ng professional repair o replacement services sa authorized centers.
Kumuha ng Electronics Protection kapag bumibili ng electronic appliances
Para gawin ito, lagyan ng check ang Electronics Protection sa Checkout page > tsaka pindutin ang Place Order.
Coverage ng Electronics Protection
Ang Electronics Protection Service Value ay sasagutin ang hanggang 100% na katumbas ng presyo ng iyong biniling produkto, hanggang 12 buwan.
Kung ikaw ay bibili ng iba’t-ibang produkto na considered eligible sa service, maaari kang kumuha ng Electronics Protection para sa bawat isang item.
Ang presyo ng Electronics Protection Service ay iba-iba depende sa kung magkano ang biniling electronic device sa Shopee platform. Makikita mo ang presyo sa checkout page kung ang binibili mo ay isang eligible electronic device.