Hi, how can we help?

Protect Yourself from Online Scams & Fraudulent Activity (TAG)

For the English version of this article, click here.



Maraming iba’t-ibang klase ng online scams na target ang mga Shopee user gaya mo. Narito ang ilan sa mga karaniwang scam na dapat mong pag-ingatan:

  • Phishing: Uri ng panloloko na naglalayong makuha ang iyong mga sensitive data gaya ng credit card details, bank account information, at password. Kadalasan, hihilingin nito na pindutin mo ang link patungo sa isang suspicious website. Maaaring ito ay nasa anyo ng tawag, email, text, at random na chat na ipinapadala sa pamamagitan ng online messaging platforms tulad ng Viber, Telegram, at WhatsApp.

  • Contest fraud: Karaniwan itong ginagawa sa pamamagitan ng SMS o iba pang messaging apps. Sasabihan ka nitong magpadala ng pera sa isang account upang makuha ang isang premyo na hindi mo naman talaga napanalunan.

  • Websites o social media pages na nagkukunwaring Shopee: Ito ay mga websites o social media pages na dinisenyohan para maging kamukha ng Shopee. Maaaring hingian ka nito ng personal information, financial information, o passwords.

 

Seryosong pinahahalagahan ng Shopee ang seguridad ng mga user at privacy ng data. Makikipag-ugnayan lamang kami sa iyo sa pamamagitan ng aming opisyal na channels at hinding-hindi namin hihingin ang iyong personal na impormasyon.



Narito ang ilang tips para matukoy ang mga scam kumpara sa mga Official Shopee channels at communications:

 

Ang Shopee Official Channels AY LAGING:

Sasabihan ang mga contest winners sa pamamagitan ng mga Shopee channels kabilang ang push notifications at email mula sa @shopee.com email address.

Tumatanggap ng bayad sa pamamagitan ng Shopee-supported payment channels.

Kontakin ka gamit ang verified na Facebook, X (dating kilala bilang Twitter), Instagram, at TikTok accounts. Hanapin ang check mark sa profile page.
 Gamitin ang tamang at opisyal na spelling ng Shopee.



Ang mga Shopee Official Channel AY HINDI:

Hihingin ang iyong PIN, OTP, o password para sa verification. Bukod dito, hindi kailanman hihingi ng OTP ang mga empleyado ng Shopee na ipinadala ng Shopee, iyong bangko, o e-wallet.
Makikipag-ugnayan gamit ang email address na may ibang domain (e.g., Gmail, Yahoo, o kahina-hinalang domain).
Hihingi ng bayad upang makuha ang isang premyo.
Hihingi ng bayad sa pamamagitan ng isang external link o magdeposito/magpadala ng pera sa bank account o e-wallet.
Magpapadala ng kahina-hinala at hindi kilalang website upang makuha ang iyong premyo, humiling ng bayad, o hilingin ang iyong personal na impormasyon.
Hihingi ng karagdagang bayad para sa iyong mga order.
Makikipag-ugnayan sa pamamagitan ng external messaging apps (e.g., Viber, Telegram, WhatsApp) upang mag-alok ng part-time na trabaho.




Paano ko mapoprotektahan ang aking sarili mula sa mga scams?

1. Huwag ipagkalat ang iyong personal information sa kahit kanino, kabilang ang iyong: 

• Passwords

• OTP

• Mobile number

• PIN

2. Mag-ingat sa mga network na mapagkunwari/hindi ligtas

3. Huwag makipag-transact sa mga unofficial Shopee websites o social media pages. 

4. Huwag mag- login gamit ang shared/public devices.

5. I-monitor ang iyong mga transactions sa iyong credit o debit card.

• Makipag-ugnayan sa iyong bangko kung may kahina-hinalang transaksyon



Ano ang gagawin ko kapag nabiktima ang aking account?

Kung sa iyong palagay ay nabiktima ang iyong Shopee account, agad na kontakin ang Shopee Customer Service.



Alamin ang iba pang tungkol sa Customer Protection Guidelines, Safety tips para maiwasang ma-hack o ma-scam, Ano ang Phishing at paano ito matukoy at maiwasan, at ang 11 Privacy Tips to Protect Your Data.

Was this article helpful?
Yes
No