For the English version of this article, click here.
Tingnan ang Estimated Delivery Date sa pamamagitan ng pagpunta sa Me tab > pindutin ang To Ship o ang To Receive > Tingnan ang estimated delivery date range ng iyong order.
Mayroong 3 na maaaring gawin kung hindi pa natatanggap ang order pagkatapos ng Estimated Delivery Date:
Pumunta sa To Receive sa pamamagitan ng Me tab sa Shopee App > Piliin ang order > pindutin ang Return/Refund sa Order Details page > Piliin ang I didn’t receive my items > Piliin ang (mga) product at ilan nito ang hindi natanggap > Next > Pindutin ang Reason > Piliin ang Parcel not delivered > Confirm > matapos ay i-check ang proof of delivery. Kung ang proof of delivery ay hindi pamilyar sa iyo, pindutin ang Continue with Request > Submit.
Kung gusto mong hintayin ang order o sinabihan ng seller na malapit na itong dumating, maaari mong i-extend ang Shopee Guarantee sa pamamagitan ng pagpindot sa Extend Shopee Guarantee button, at madadagdagan ito ng 3 araw.
⚠️ Tandaan • Siguraduhing mag request ng refund isang (1) araw bago matapos ang inextend na Shopee Guarantee period kung hindi pa rin natatanggap ang order. • Kung ang Shopee Guarantee period ay natapos na at di mo natanggap ang order, kontakin ang Shopee Customer Service. |
Minsan, ang rider ay nagpapadala ng SMS kapag idede-deliver na ang order. Kapag nakatanggap ka ng SMS, kontakin ang rider gamit ang number na kanyang pinang-text.
Kung ang rider ay hindi sumasagot o wala kang natanggap na SMS/tawag mula sa courier, mangyaring direktang makipag-ugnayan sa courier at ibigay ang sumusunod upang malaman ang tungkol sa status ng order:
Order SN
Tracking Number
⚠️ Tandaan • Hindi lahat ng rider ay nagpapadala ng SMS/tawag bago ihatid ang order. Kung hindi mo inaasahan ang anumang delivery, iwasang tumanggap ng mga order na wala sa iyong Delivery Status. Alamin ang tungkol sa pag-track ng iyong mga order. • Kapag naipadala na ang isang order, hindi na namin mapo-proseso ang cancellation. Gayunpaman, kung ang order ay hindi pa rin naihatid matapos ang Estimated Delivery Date (EDD), maaari ka nang mag-request ng Return/Refund. |
Para sa mga order na ipinadala gamit ang non-Shopee Supported Logistics, maaari kang direktang makipag-ugnayan sa seller. Kung hindi sumasagot ang seller, maaari mong i-extend ang Shopee Guarantee o mag-request ng refund bago mag-expire ang iyong Shopee Guarantee period.