Hi, how can we help?

General

Policies
Shopee Account
Guidelines
Shopee App (Android/iOS)
Resources
Additional Services
Buying Safely
Shopee Desktop

Return Guidelines for Shopee Mall products

For the English version of this article, click here.



Kapag nagre-request ng Return/Refund, ikaw ay aalukin na i-upload ng mga kinakailangang ebidensya. Kapag ang iyong Shopee Mall product ay na-approve for return, tiyakin na sundin ang mga guidelines sa ibaba. 

 

⚠️Tandaan

Siguraduhing masunod ang mga guidelines na inilalahad dito sa article, kung hindi ay maaaring magresulta sa rejection ng iyong Return/Refund request at ang item ay ibabalik sa iyo.

 

Guidelines for the Required Inclusions When Returning to Shopee Warehouse:

2024_0 Guidelines for the Required Inclusions When Returning to Shopee Warehouse.png

 

DAMAGED ITEMS

Ano ang itinuturing na Damaged?

Ang natanggap na actual item ay kita na may cosmetic/physical damages gaya ng: pagkayupi, gasgas, lamat, punit, butas, atbp.

 

Halimbawa:

  • ELECTRONICS: Ang actual item ay may gasgas, yupi, o lamat; ang digital screen ay di gumagalaw/di gumagana

  • APPAREL: Ang item ay may punit, laslas, mantsa, at butas; ang zipper ay sira

  • COSMETICS: Ang item ay basag, may tagas, atbp.

 

2024_1 DAMAGED ITEMS.png



DEFECTIVE / FAULTY ITEMS

Ano ang itinuturing na Defective/Faulty?

Ang actual item na natanggap ay walang pisikal na sira; gayunman, hindi ito gumagana o magagamit gaya ng inaasahan.

 

Halimbawa:

  • ELECTRONICS: Ang electronic item ay hindi bumubukas; ang mga chargeable item ay hindi nagcha-charge; ang digital screen ay namamatay at hindi gumagana

  • APPAREL: Ang mga manggas ay mali ang pagkakatahi; hindi maisara/mabuksan ang zipper

  • TOYS: Ang mga laruan na dapat na may tunog ay walang tunog o di kaya’y basag/pangit ang tunog 

  • SHOES: Magkaparehong paa ang dumating na sapatos (2 left shoes)

 

2024_2 DEFECTIVE _ FAULTY ITEMS.png



MISADVERTISED ITEMS

Ano ang itinuturing na Misadvertised?

Ang natanggap na actual item ay hindi kagaya ng ipinapakita online; pekeng patalastas

 

Halimbawa:

  • ELECTRONICS: HIndi magawa ng item ang feature na kaya daw nitong gawin ayon sa ads

  • APPAREL: Ang item ay yari sa 50% cotton at 50% polyester ngunit ipina-patalastas sa online bilang 100% cotton; hindi tugma ang sukat sa advertised sizing chart (tamang size tag ngunit mali sa aktwal na sukat)

 

2024_3 MISADVERTISED ITEMS.png

 
 

WRONG ITEMS

Ano ang mga itinuturing na Wrong?

Ang natanggap na actual item ay iba ang klase/kulay/sukat/pattern kumpara sa inorder; ibang item mismo ang ipinadala kumpara sa inorder

 

Halimbawa:

  • ELECTRONICS: Ang natanggap na item ay iba ang model/edition kaysa sa inorder; iba ang brand ng natanggap na item; umorder ng laptop ngunit mouse ang natanggap

  • APPAREL: Ang natanggap na damit ay iba ang kulay, design, o size; umorder ng shirt ngunit pantalon ang natanggap

  • CONSUMER GOODS: Ang natanggap na item ay iba ang amoy/kulay/flavor; umorder ng shampoo ngunit conditioner ang natanggap

 
2024_4 WRONG ITEMS.png


INCOMPLETE/MISSING INCLUSIONS

Ano ang itinuturing na Missing inclusion?

Ang actual item na natanggap ay may nawawalang importanteng parte para gumana o magamit ito ng tama, o kaya’y may kulang na laman ayon sa patalastas

 

Halimbawa:

  • ELECTRONICS: Ang laptop na may free bag ay dumating nang walang bag; TV without remote control

  • APPAREL: Isang shirt lamang ang dumating sa inorder na buy one-take one shirt

  • ACCESSORIES: Ang kwintas na dumating ay nawawala ang pendant o nawawalang lock; ang sunglasses na dumating ay kulang ng isang lente

 

2024_5 INCOMPLETE_MISSING INCLUSIONS.png



ITEMS WITH SIGNS OF USAGE

Ano ang itinuturing Signs of Usage?

Ang dumating na actual item ay halatang may senyales na ginamit na, gaya ng: bukas na box, sirang seal, damage sa hitsura, may bakat ng kamay o daliri, kupas na kulay, dumi, atbp.

 

Halimbawa:

  • ELECTRONICS: Ang digital screen ay gasgas na; lubog na ang mga pindutan dahil sa labis na pagkagamit

  • APPAREL: Ang mga patterns at prints ay kupas na dahil sa kalumaan; mantsa na dulot ng paggamit

  • COSMETICS: Mga senyales ng gasgas at pagkapudpod dahil sa paggamit; bawas na ang laman ng mga liquid items di gaya ng nasa patalastas (hal. ang perfume bottle ay kalahati na lang ang laman)

 

2024_6 ITEMS WITH SIGNS OF USAGE.png

 

 

DOUBT ON AUTHENTICITY / COUNTERFEIT ITEMS

Ano ang itinuturing na Inauthentic or Counterfeit?

Ang actual item na natanggap ay may senyales na pinirata o peke gaya ng: pekeng logo,  mga features na pangit ang pagkakagaya, may virus sa mga electronic items, hindi gumagana nang maganda dahil sa pekeng materyales

 

Paano matutukoy ang mga pekeng items?

  • ELECTRONICS: Ang iPhone ay may ibang logo (sa halip na mansanas, ito ay ibang prutas)

  • APPAREL: Sinasabing sikat na brand ang item ngunit ang mga letra sa label nito ay iba sa authentic item; pangit na kalidad ng print ng isang popular na damit; ibang laki ng print kumpara sa popular clothing item; pangit na kalidad ng material na di gaya sa popular clothing item

  • ACCESSORIES: Natatanggal na print ng isang sikat na designer bag

 

2024_7 DOUBT ON AUTHENTICITY _ COUNTERFEIT ITEMS.png



EXPIRED ITEMS

Ano ang mga itinuturing na Expired?

Ang expiration date na nasa packaging ng actual item ay paso o lumipas na.

 

Paano matukoy ang expired items?

  • ELECTRONIC ACCESSORIES: Ang film para sa film camera ay nag-expireagad sa loob lamang ng dalawang araw mula nang dumating ang item o ang item ay natanggap nang lagpas na ang expiration date na nakalagay sa packaging

  • CONSUMER GOODS: Ang pagkain at inumin ay mas kaunti na ang bilang na pwede itong gamitin

 

2024_8 EXPIRED ITEMS.png

 

Mga Dapat at Hindi Dapat gawin:

Sundin ang mga guidelines na ito bago isauli ang item pabalik sa Shopee Warehouse.

 
  • DAPAT na isama ang lahat ng accessories, freebies, manuals, warranty cards, at bundled items na kasamang dumating ng iyong order.

  • DAPAT tiyakin na ang original tags at labels ay nakakabit pa rin.

  • DAPAT na kuhanan ng litrato o maiksing video ang kondisyon ng item/s na isasauli bago ito ibalot at ipadala pabalik sa Shopee Warehouse.

  • DAPAT ipakita na lahat ng inclusions ay kumpleto at protektado mula sa damage gamit ang styrofoam, bubble wrap, atbp., at ang buong return package ay mahusay ang pagkakabalot para sa shipment.

  • HINDI DAPAT isauli ang mga items na ginamit o binago mo na.

  • HINDI DAPAT sirain ang item o ang packaging nito.

Was this article helpful?
Yes
No