For the English version of this article, click here.
Nararapat na alam mo ang iyong mga Privacy Rights at ang karapatan mong mabigyan ng impormasyon.
Maaari mong i-browse ang Shopee website at ang mobile application nang hindi ibinibigay ang iyong mga personal information. Gayunman, kung nais mong gamitin ang Shopee Platform, kakailanganin mong mag-sign-up ng account.
Sa pamamahala ng business na ito, hinihingi at ginagamit ng Shopee ang iyong mga personal information para sa ilang kaukulan, at sa mga sitwasyong nakasaad sa aming Privacy Policy:
Para sa Data Privacy Guidelines para sa Shipments at Delivery, kami ay humihingi ng delivery photos mula sa aming mga Third-Party Logistics (3PL) partners. Ang mga Delivery Photo ay naglalayong matulungan ang mga customer na malaman kung ang kanilang package ay maayos na nai-deliver at saan idineliver, na-pick up, o kung ito ay cancelled upang matiyak ang kapakanan ng mga Buyers, Sellers & Partners, at para na rin sa mga internal audit purposes. Ang pagkuha ng mga litrato ay isinasagawa gamit ang secured rider application interface ng 3PL, at/o ang company-issued mobile phone ng 3PL rider, kung anuman ang angkop.