For the English version of this article, click here.
Kapag dumating na ang rider para i-deliver ang order mo, narito ang mga dapat tandaan sa pag-receive ng parcel:
Para sa Cash on Delivery (COD):
Ipakita ang iyong valid government ID, at ihanda ang eksaktong bayad bago ito ibigay sa rider.
Para sa Non-Cash on Delivery (Non-COD):
Ipakita lang ang iyong valid government ID at i-claim ang order mo.
⚠️ Tandaan Maaaring kuhanan ka ng litrato ng rider at pirmahan mo ang proof of delivery bilang ebidensya na natanggap mo ang iyong order. Alamin ang tungkol sa Data Privacy Guidelines for Shipment and Delivery. |
Maaaring mo lang tanggihan ang parcel kung:
May signs of tampering ang packaging (hal. unsealed o damaged).
Mali ang shipping information sa airway bill (AWB), na maaaring ibig sabihin ay hindi sa’yo ang parcel.
Important: Kapag nabuksan na ang parcel, hindi na ito puwedeng isauli sa rider. Kung kulang, mali, o sira ang item, mag-file ng Return/Refund request sa Shopee app. Kung maayos naman ang produkto, piliin ang Order Received sa Shopee App.
Learn what you can do if someone else receives your order.