For the English version of this article, click here.
Kung nakatanggap ka ng parcel na hindi mo inorder, maaaring ito ay isang kaso ng order brushing, at narito ang dapat mong gawin kaagad:
Suriin ang My Purchases page (Me > My Purchases) upang kumpirmahin na ang order ay hindi ginawa sa iyong Shopee account at kung ang seller ay hindi nagpadala sa iyo ng maling item.
Kung ginawa ito sa iyong Shopee account nang hindi mo nalalaman, maaaring nakompromiso ang iyong account. Palitan kaagad ang iyong password sa Shopee account at kontakin ang Shopee Customer Service para sa karagdagang suporta.
I-check kung ang miyembro ng iyong pamilya/kaibigan ay nagpadala nito bilang regalo, o inorder ang item para sa iyo.
Kung napansin mo na ang parcel ay naglalaman ng mga ilegal na bagay, i-report ito agad sa pulisya.
Maliban kung ipinapayo ng mga nauugnay na partido, malaya kang itapon ang mga item. Hindi na kailangang ibalik ang parcel sa Shopee o sa seller.
📍 Kahulugan Order brushing - Ang pagawa ng isang pekeng order upang palabasin na marami ang benta. Ang mga parcel mula sa mga pekeng order na ito ay maaaring ipadala sa mga buyer na walang kaalam-alam. |
Mag-ingat mula sa order brushing/fake order activities
Bilang pag-iingat kung makatanggap ka ng parcel na hindi mo in-order, gawin ang mga sumusunod:
Baguhin ang password ng iyong Shopee account bilang pag-iingat.
Bantayan ang iyong mga bill sa credit card, bank account statement, Shopee account, at ShopeePay account para sa mga hindi awtorisadong transaksyon.
Tandaan na magbayad lamang para sa mga parcel na iyong na-order.
Iwasang magbahagi ng personal na impormasyon gaya ng address ng iyong tahanan sa mga taong di mo kilala o hindi awtorisadong partido.
Matinding binabantayan ng Shopee ang mga brushing order activities at nagsasagawa ng mahigpit na aksyon laban sa sinumang indibidwal na lumalabag sa aming mga patakarang laban sa anti-brushing policies.