Hi, how can we help?

[Product Ratings] How do I rate and review a product? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Maaaring i-rate ang isang produkto kapag ito ay Completed na. Samantalang ang mga order na ini-return, na-refund, o na-cancel ay hindi maaaring i-rate.


Pindutin ang To Rate na makikita sa Me tab > Pindutin ang Review > Magbigay ng rating gamit ang stars (5 stars = pinakamataas) > Magdagdag ng Photo/Video > Sumulat ng review > Submit.



Pagkatapos, maaari mo nang i-rate ang Product Quality para sa bawat item sa order, at ang Seller Service at Delivery Speed para sa buong order.


📍 Definitions

  • Product Quality – Kalidad ng produkto

  • Seller Service – Serbisyong ibinigay ng seller (hal. asal ng seller, pagsagot sa inquiries)

  • Delivery Speed – Serbisyo at bilis ng courier


⚠️ Note

• Ang Product Quality rating lamang ang nakakaapekto sa product rating ng seller
• Ang Seller Service at Delivery Speed ratings ay hindi nakakaapekto sa product rating
• Kailangan mong i-rate ang lahat ng 3 bahagi bago makapag-submit
• Maaari mong itago ang iyong username sa review sa pamamagitan ng pag-check sa Review Anonymously sa iyong review toggle.



Pagre-review ng produkto

Ang product review ay binubuo ng tatlong bahagi:
• Text

 • Hanggang limang litrato

 • 1 video (3–60 seconds)


Sa pagre-review ng produkto:
• Gumamit ng maayos at magalang na salita
• Maging tapat at ibahagi ang tunay mong karanasan
• Ipakita nang malinaw ang produkto gamit ang photos/videos (maaaring kunan gamit ang Shopee app o i-upload)


Iwasan ang:
• Feedback na walang kinalaman sa produkto
• Spam (hal. paulit-ulit na emojis o salita)
• Bastos o nakakasakit na salita
• Media na walang koneksyon o hindi malinaw (hal. black screen, walang produktong kita)



Maaari kang makakuha ng Shopee Coins sa mga product review na pasok sa sumusunod na criteria:


Criteria

Para sa hanggang 0.2 Shopee Coins

Para sa hanggang 0.4 Shopee Coins

Ang review ay naglalaman ng hindi bababa sa 100 characters, maliban sa space (hal. "Magandang Kalidad" ay counted bilang 16 characters)

Ang review ay may hindi bababa sa 1 litrato

Ang review ay may 1 video

x

Ang review ay sumusunod sa aming product review guidelines



⚠️ Tandaan 

• Ang mga review na lumalabag sa guidelines ay maaaring alisin ng Shopee at ang anumang Shopee Coins na nai-award ay babawiin.

• Ang in-edit na review ay hindi na makakakuha ng karagdagang coins.

• Ang coin rewards ay maaaring mag-iba depende sa kalidad ng review at sa item na ni-review, ayon sa desisyon ng Shopee.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied