Hi, how can we help?

[Product Ratings] How do I rate and review a product? (TAG)

For the English version of this article, click here.


Maaari i-rate ang isang produkto kapag naka-mark na itong Completed. Ang mga order na na-return, na-refund, o na-cancel ay hindi puwedeng i-rate.

Pumunta sa To Rate sa ilalim ng Me tab > Piliin ang Rate > Magbigay ng rating gamit ang stars (5 stars = pinakamataas) > Magdagdag ng Photo/Video > Sumulat ng review > Submit.

Pagkatapos, maaari mong i-rate ang Product Quality para sa bawat item sa order, at ang Seller Service at Delivery Service para sa buong order.


📍 Definitions

  • Product Quality – Kalidad ng produkto

  • Seller Service – Serbisyong ibinigay ng seller (hal. attitude ng seller, pagsagot sa inquiries)

  • Delivery Service – Serbisyo at bilis ng courier


⚠️ Note

• Product Quality lang ang naka-aapekto sa product rating ng seller
• Ang Seller Service at Delivery Service ratings ay hindi naka-aapekto sa product rating
• Kailangan mong i-rate ang lahat ng 3 bahagi bago makapag-submit
• Maaari mong itago ang iyong username sa review sa pamamagitan ng pag-turn off ng Show your username on your review toggle.



Rating Product Quality

I-rate ang Product Quality gamit ang stars (5 stars ang pinakamataas) > Mag-add ng Photo at/o Video > Maglagay ng review.



Rating an order

I-rate ang Seller Service at Delivery Service ng order gamit ang star rating (5 stars ang pinakamataas). Kapag tapos ka na sa pag-rate ng product at order > piliin ang Submit.


Pagre-review ng produkto

Ang product review ay binubuo ng tatlong bahagi:
• Text

 • Hanggang 5 photos

 • 1 video (3–60 seconds)


Sa pagre-review ng produkto:
• Gumamit ng maayos at respetadong salita
• Maging tapat at ibahagi ang tunay mong karanasan
• Ipakita nang malinaw ang produkto gamit ang photos/videos (puwedeng kunin sa Shopee app o i-upload)


Iwasan ang:
• Feedback na walang kinalaman sa produkto
• Spam (hal. paulit-ulit na emojis o salita)
• Bastos o nakakasakit na content
• Media na walang koneksyon o hindi malinaw (hal. black screen, walang produktong kita)



Puwede kang maka-earn ng Shopee Coins sa mga product review na pasok sa sumusunod na criteria:


Criteria

Para sa hanggang 0.2 Shopee Coins

Para sa hanggang 0.4 Shopee Coins

Ang review ay naglalaman ng hindi bababa sa 100 characters, maliban sa space (hal. "Magandang Kalidad" ay counted bilang 16 characters)

Ang review ay may hindi bababa sa 1 litrato

Ang review ay may 1 video

x

Ang review ay sumusunod sa aming product review guidelines


⚠️ Tandaan 

• Ang mga review na lumalabag sa guidelines ay maaaring alisin ng Shopee at ang anumang Shopee Coins na na-award ay babawiin.

• Ang na-edit na review ay hindi na makaka-earn ng karagdagang coins.

• Ang coin rewards ay maaaring mag-iba depende sa kalidad ng review at sa item na ni-review, ayon sa desisyon ng Shopee.


Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied