For the English version of this article, click here.
Pakitandaan na aalisin ng Shopee ang mga review o sagot na lumalabag sa aming guidelines, at maaaring bawiin ang anumang Shopee Coins na naibigay. Para maiwasan itong mangyari, sundin ang mga tips na ito:
1. Magbigay ng malinaw at relevant na product review
Mag-upload ng malinaw na image o video ng actual na product na natanggap
Gumamit ng appropriate at ma-respeto na language sa iyong feedback
Magbigay ng detailed review tungkol sa produkto (Performance, quality, suitability) at/o seller’s service (shipping, attitude, customer service, packaging)
Iwasang mag-upload ng blangkong content, malabong larawan/video, o mga hindi related na content
2. Iwasan ang pag-spam ng mga character o paglalagay ng random text para lamang punan ang word count at makakuha ng coins
Iwasan ang paulit-ulit na characters, salita, o parirala
Huwag gumamit ng sobrang simbolo o emojis
Panatilihing related ang mga texts, huwag maglagay ng lyrics ng kanta, quotes, o hindi kaugnay na content
3. Iwasang mag-upload ng mga larawan o video na walang kaugnayan sa produkto
Huwag mag-upload ng mga imahe na may graphics, emojis, o body gestures na hindi kaugnay sa produkto
Iwasan ang mga blangkong imahe o video (halimbawa, black screen na walang produktong ipinapakita)
Huwag mag-submit ng mga video na may animation lang, hindi klarong objects, o motion blur na hindi kaugnay sa produkto
4. Iwasan ang paggamit ng bastos, abusado, o hindi magalang na wika para insultuhin o pababain ang iba, kahit na sila ay may pagkakamali
May mga bulgar/mura/nangsusumpang salita (anumang wika o emojis),positibo o negatibo man ang feedback
May mga nakakasakit o mapoot na pananalita para sa isang partido/tao na may layuning manggulo, magbanta, o magpahiya sa kapwa
Ang pagbibintang sa kabilang partido na ito ay isang bogus seller/scammer
Pagbabahagi ng sensitibong impormasyon na nauugnay sa pulitika, kasarian, relihiyon, kultura, at current events
5. Iwasang magbahagi ng anumang personal contact information at mga social media details na maaaring magamit upang makipag-transaksyon offline o sa labas ng Shopee
May mga personal na impormasyon tulad ng contact number, address, mga detalye ng bangko, personal ID, atbp
Inilalantad ang personal na impormasyon ng ibang mga user gaya ng pangalan, username, email address, contact number, social media account, atbp.
6. Iwasang magbigay ng mga explicit at offensive references na tumutukoy sa sex o bodily function kapag nagbibigay ng mga product review
Iwasan ang mga imahe/video na naglalantad o nag-eexpose ng mga pribadong bahagi ng katawan, kahit na censored o uncensored
Huwag mag-upload ng mga imahe/video na may sekswal na mga poses
Iwasan ang paggamit ng mga symnols, texts, o emoticons na naglalarawan ng mga sekswal na gawain
Alamin kung paano mag-rate at mag-review ng product.