Hi, how can we help?

Deals & Rewards

Reward Programs
Promotions

[Brand Memberships] What is Brand Membership? (TAG)

For the English version of this article, click here.

 

 

Ang Brand Membership ay tiered rewards program na ibinibigay exclusively ng Shopee Mall sellers. Ang mga membership rewards, tiers, at criteria ay magkakaiba depende sa bawat Shopee Mall seller.

 

⚠️Tandaan

• Ang Brand Membership ay available lamang sa piling Shopee Mall sellers

• Sa ngayon, ito ay available lamang sa Shopee App

 

Kabilang sa mga rewards ay ang mga shop-specific benefits gaya ng exclusive free gifts at vouchers, depende sa Mall shop. 

 

Maaari kang makakuha ng points base sa iyong mga binili sa Mall Shop at ipagpalit ito para sa rewards. Ang ibang shop ay nagbibigay ng bonus points para sa new signups. Lahat ng points ay valid ng 12 months mula ng ito ay nakuha.

 

 

 

⚠️Tandaan

• Sa bawat 1 peso na ginastos ay isang point ang ma-earn across different Mall shops.

• Ang Brand Memberships ay independent sa ibang rewards na offered ng Shopee gaya ng Shopee Rewards, Mom's Club, and others.

 

 

Sumali sa Brand Membership program

Maaaring sumali sa kahit anong Brand Membership program bilang Basic tier member, pumunta lamang sa Me tab > Shopee Rewards Loyalty > Brand Memberships > i-browse at pumili ng brand > i-fill ang Your Information > mag-agree sa Terms and Conditions > Join.

 

 

 

 

Para mag qualify at mapanatili ang Brand Membership tiers

 

Basic tier

Lahat ng buyer ay eligible sumali sa Basic Tier ng kahit anong Brand Membership program. Walang expiry sa validity period na ito, mananatili ang tier na ito kung hindi naabot ang criteria para sa susunod na tier.

 

Subsequent tiers

Ang pag-qualify sa susunod na tier sa Mall's Brand Membership program ay magbabase sa spending amount na na-fulfil base sa criteria na nilagay ng Mall shop.

 

Kapag nag-qualify ang non-basic tier, ang tier status ay valid sa loob ng 12 buwan simula sa date of qualification.

 

Kapag tapos na ang 12-month validity period, may dalawang scenarios na posibleng mangyari:

  • Sapat ang amount na ginastos sa loob ng 12 buwan - mareretain ang iyong tier sa susunod na 12 buwan.

  • Hindi sapat ang ginastos sa loob ng 12 buwan - magda-downgrade ang iyong membership sa susunod na membership tier na qualified ang iyong account.

 

 

Terms

  • Para sa mas detalyadong Terms and Conditions, pumunta sa Brand Membership Terms at Shopee T&C sa bawat Brand Membership program’s joining page.

 

    

Was this article helpful?
Yes
No