For the English version of this article, click here.
Spotting scams
Ang mga scams ay karaniwang natutukoy dahil sa:
Mga non-Shopee link na humihingi ng iyong personal at sensitive account information gaya ng one-time passwords (OTPs) o account passwords
Mga maling spelling at grammar
Narito ang mga karaniwang idina-dahilan ng mga nagkukunwaring staff ng Shopee:
Ikaw ay may premyong napanalunan
Nagkaroon ng problema sa iyong account/order
Matapos ay gagawin nila sa iyo ang mga sumusunod:
Hihingiin ang iyong OTP/ account password/ShopeePay PIN number
Tatanungin ang iyong mga personal na detalye gaya ng petsa ng kapanganakan na siyang ginagamit ng mga customer service agents para ma-verify ang identity ng isang buyer
Pagbabayarin ka gamit ang ShopeePay sa numero na kanilang ibibigay
Ang mga ganito ay dapat na huwag pansinin, o agad na i-report dahil hindi kailanman hihingiin ng Shopee ang mga nabanggit na detalye gamit ang unofficial platforms. Dagdag pa rito, ang Shopee ay hindi tatanungin ang iyong passwords at PIN numbers.
Ikaw ay kokontakin lamang ng Shopee gamit ang official channels, gaya ng Shopee App, ang ating verified social media accounts, o ng email addresses na nagtatapos sa shopee.com.
Reporting scams
Kung ikaw ay nakapagbigay ng anumang account o personal information sa kahina-hinalang third parties, dapat itong i-report agad sa Shopee Customer Service.
Samantala, agad na palitan ang iyong account password at ang iyong ShopeePay PIN number gamit ang Shopee App.