Hi, how can we help?

General

Policies
Shopee Account
Guidelines
Shopee App (Android/iOS)
Resources
Additional Services
Buying Safely
Shopee Desktop

[Account Safety] What are Two-Factor Authentication (2FA) verification methods?

For the English version of this article, click here.



Ang Two-Factor Authentication (2FA) verification methods ay nagsisilbi bilang dagdag-seguridad upang protektahan ang iyong Shopee account mula sa mga di-awtorisadong paggamit.

 

Halimbawa, maaaring hingiin na i-verify mo muna ang iyong sarili gamit ang 2FA verification methods kung gagawa ng mga importanteng bagay gaya ng pag-log in, pagpapalit ng password, at paglalagay ng bank account information.


Narito ang 6 na uri ng 2FA verification methods na maaari mong makita:

 

1. Face verification 

Para matagumpay na mag-authenticate gamit ang face verification, tiyakin na:

  • Ikaw ay nasa lugar na may sapat na liwanag (di madilim o sobrang maliwanag)

  • Hindi ka gumagalaw upang mai-focus nang maayos sa camera sa iyong mukha (iwasan ang paglabo) 

  • Tanggalin ang anumang harang sa iyong mukha (hal. facemasks, sunglasses)

  • Sundin ang mga prompts na ibinibigay habang nasa verification process (hal. blink eyes, turn head, nod, open mouth)

 

Identity-verification-using-face-verification-on-Shopee-App-TAGLISH.gif

 

⚠️ Tandaan

I-verify ang iyong ShopeePay upang magamit ang face verification 2FA method.



2. QR code

Para mag-verify gamit ang QR code, buksan lamang ang QR code scanner na nasa Shopee App homepage at i-scan ang na-generate na QR code. Ang QR code ay mage-expire matapos ang 10 minuto mula nang ito’y na-generate, maaari kang mag-refresh para mag-generate ng bago kung kinakailangan. 

 

Identity-verification-with-QR-code-on-Shopee-App-TAGLISH.gif

 

⚠️ Tandaan

Kung ang iyong QR code ay na-generate gamit ang phone, kailangan mong itong i-scan gamit ang ibang phone na naka-log in ang iyong Shopee account.



3. Authentication link

Para mag-verify gamit ang authentication link, pindutin ang authentication link na ipinadala via email/SMS sa iyong registered email address o phone number. Pagkatapos, ikaw ay mapupunta sa page kung saan maaari mong i-approve o i-deny ang verification (hal. approving/denying a login attempt from a new device).

 

Maaari kang magpa-resend ng isa pang authentication link makalipas ang 60 segundo kung hindi mo natanggap ang unang ipinadala.

 

Identity-verification-using-authentication-link-via-phone-number-TAGLISH.gif



4. One-Time Password (OTP)

Para mag-verify gamit ang OTP,  ilagay ang 6-digit verification code na ipinadala via email/SMS sa iyong registered email address o phone number. Maaari kang magpa-resend ng bagong code makalipas ang 60 segundo kung hindi natanggap ang unang ipinadala.

 

⚠️ Tandaan

Huwag ibahagi ang iyong OTP sa kaninuman, kahit sa Shopee staff.



5. Password

Ang iyong account password ay maaari ding gamitin bilang form of verification. Tandaan lamang na may limit sa dami ng password verifications ang maaaring gawin sa loob ng isang araw.

 

6. ShopeePay PIN 

Ang ShopeePay PIN ay maaari ding gamitin bilang verification method. Tandaan lamang na ang iyong ShopeePay wallet ay pansamantalang hindi magagamit sa loob ng 30 minuto kung maraming beses kang magpapasok ng maling PIN.

 

Kung patuloy mong ipapasok ang maling PIN pagkatapos nito, ang iyong ShopeePay ay mapi-freeze. Maaari kang makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service para sa assistance.



⚠️ Tandaan

Kung ayaw magtuloy ang 2FA method dahil sa system error o di kaya’y lagpas na sa maximum number of tries, maaari mong:

• Subukan muli matapos ang 15 minuto.

• Kontakin ang Shopee Customer Service para sa tulong kung patuloy na nakakaranas ng isyu.

Was this article helpful?
Yes
No