For the English version of this article, click here.
Pwede kang magbayad gamit ang kahit anong locally issued na Mastercard, VISA, o JCB credit/debit card, basta’t 3DS certified ito. Kung hindi ka makapag-checkout, narito ang mga posibleng dahilan at solusyon:
1. Transaction Limits
May maximum transaction limit ang credit/debit card purchases. Tingnan ang iyong credit account para sa available na credit limit.
2. Card errors
Di makita ang Card sa listahan
Kung ang bagong card na naidagdag ay hindi lumalabas sa Payment Method page, subukan munang i-close at i-reopen ang Shopee app. Kung hindi pa rin ito lumabas, sundan ang troubleshooting steps.
Incomplete payment
Kung hindi natapos ang iyong payment, tingnan sa iyong bank kung na-deduct ang amount bago subukang magbayad muli. Pwede ka ring makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service para sa tulong.
3. Ang card ay hindi tinatanggap sa Shopee
May ilang overseas cards at cards mula sa ibang mga bangko na hindi tinatanggap sa Shopee. Pwede mong tingnan dito kung tinatanggap ang iyong card sa Shopee.
4. Restrictions dahil sa maling paggamit ng card
Ang credit/debit card payments ay sumusunod sa mga polisiya ng card provider. Kung ang iyong card ay na-flag dahil sa policy violations, hindi ka makakapag-checkout sa Shopee. Kung mangyari ito, subukang gumamit ng ibang card o makipag-ugnayan sa Shopee Customer Service kung sa tingin mo ay hindi ito dahil sa anumang kahina-hinalang aktibidad.
5. Seller available payment options
May mga seller na hindi nag-aalok ng credit/debit card payments. Pwede kang pumili mula sa ibang available payment options.
Para sa mga isyu na hindi nabanggit sa itaas, gaya ng maling contact number para sa OTPs, mangyaring makipag-ugnayan sa iyong bangko para sa tulong. Kung ang mga rekomendasyon sa itaas ay hindi naaangkop, isaalang-alang ang paggamit ng iba pang Shopee-supported payment methods.
Para sa mga alalahanin tungkol sa locked account, alamin ang higit pa tungkol sa Account Limitations.