Hi, how can we help?

Other FAQs related to SPX Express

For the English version of this article, click here.



Q: Available ba ang pick-up services?

A: Oo, available ang pick-up service para sa mga seller. Maaari ka ring mag-drop ng mga parcel sa SPX Express drop-off hubs.



Q: Posible bang palitan ang petsa at oras ng delivery? Paano kung wala ako sa oras ng delivery?

A: Ang delivery partners ay inaabisuhan na maghintay ng hanggang 15 minuto pagdating sa delivery location.


Ang SPX Express ay nagpapatupad ng hanggang dalawang (2) valid delivery attempts sa loob ng dalawang (2) magkakasunod na araw para sa lahat ng last-mile transactions.



Q: Maaari bang ibang tao ang tumanggap ng aking order, kung hindi ako available?

A: Kung hindi ka available upang tanggapin ang iyong order, maaari kang magtalaga ng ibang tao na tumanggap ng parcel para sa iyo. Ang iyong representative ay dapat na may authorization letter para makuha nila ang package, lalo na kung ito ay prepaid.


Mangyaring magbigay ng pahintulot sa delivery rider para sa Proof of Delivery (POD).



Q: Maaari ko bang bayaran ang aking COD order pagkatapos kong buksan at suriin ang package?

A: Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbubukas ng mga parcel nang hindi pa naibibigay ang cash payment. Ang aming delivery partner ay hindi ibibigay ang package nang hindi muna natatanggap ang buong bayad.



Q: Maaari ko bang bawiin ang aking pera mula sa delivery partner pagkatapos buksan ang package?

A: Hindi ibabalik ng rider ang iyong pera. Ang aming mga delivery riders ay hindi pinapayagang tumanggap ng mga natanggap na order o mga parcel na nabuksan na. Maaari mong hilingin ang iyong refund sa pamamagitan ng Shopee app. Pumunta sa My Purchases > Returns & Refunds.  



Q: Bakit ang Shopee Express (SPX) order ay dinedeliver ng Flash Express (FEX)?

A: Dahil layunin ng Shopee Express na mapalawak pa ang sakop nito, kami ay nakipag-partner sa Flash Express (FEX) upang maihatid ang iyong order nang mas mabilis.


SPX FEX Shipping Details page.png



Alamin ang tungkol sa SPX Express at iba pang Shopee Supported Logistics.

Was this article helpful?
Yes
No