For the English version of this article, click here.
1. Pwede bang mag-return ng mga parcel na may issues sa Shopee Self Pick-Up?
A: Hindi mo maaaring i-return o iwan ang nabuksan nang parcel sa mga Shopee Self Pick-Up points. Sa halip, maaari kang mag-file para sa Return/Refund request sa pamamagitan ng Shopee app para sa mga hindi kumpleto, mali, sirang produkto.
2. Ano ang mangyayari sa iyong parcel kung hindi mo ito makuha sa loob ng 7-araw na Pick-Up window?
A: Ang parcel ay kukunin ng SPX mula sa Shopee Self Pick-Up point kapag lumampas na ito sa 7-araw na holding period. Magsisimula nang isauli ang parcel sa seller.
3. Ano ang maximum na timbang at sukat para sa parcel upang maging eligible para sa Shopee Self Pick-Up?
A: Ang Shopee Self Pick-Up ay kayang suportahan lamang ang mga delivery na may bigat hanggang 5kg at maximum dimension na 30 cm sa lahat ng gilid.
4. Maaari bang kunin ng ibang tao ang iyong parcel para sa iyo?
A: Oo, hangga't ang taong pinahintulutan mong mangolekta ay makakapagbigay ng tamang PIN at tracking number.
5. Maaari ba akong lumipat sa Door to Door delivery sa halip?
A: Hindi, hindi na namin mababago ang delivery option kapag nai-place na ang order.
6: Paano kung hindi ko ma-access ang aking Shopee app para makuha ang aking PIN at tracking number habang nasa Pick-Up point?
A: Maaari mong hilingin sa Shopee Self Pick-Up point agent na ipadala ang PIN at tracking number sa iyong registered phone number.