Hi, how can we help?

[New to Shopee] What payment options does Shopee support? (TAG)

For the English version of this article, click here.

 

 

Ang Shopee ay mayroong 9 payment options:

  1. ShopeePay

  2. SeaBank

  3. SPayLater

  4. Cash on Delivery

  5. Payment Center/e-Wallet

  6. Linked Bank Account

  7. Credit/Debit card

  8. Online Banking

  9. GooglePay (para sa mga Android user lamang)

 

ShopeePay

Ang ShopeePay ay isang digital wallet na makikita sa Shopee App. Gamitin ito para magbayad ng online at offline purchases matapos i-set up ang ShopeePay account at mag-cash in sa iyong wallet.

 

SeaBank

Sa feature na ito ay maaaring magbayad ang buyer ng kanyang order gamit ang Linked SeaBank account.

 

SPayLater

Ang SPayLater ay isang feature kung saan ang mga qualified buyers ay maaaring mag-buy now and pay later, o mag-apply ng installment loan nang hanggang 12 buwan para sa Shopee purchases. 

 

Cash on Delivery

Magbayad ng cash sa aming mga Shopee Supported Couriers kapag dineliver na ang iyong order, o mag-cashless gamit ang Gcash o iba pang mga e-wallet at mga bangko sa pamamagitan ng pag-scan sa QR PH code ng SPX rider pagka-deliver.

 

Payment Center/e-Wallet

Magbayad gamit ang Shopee supported payment centers at e-Wallets.

 

Linked Bank Account

Maaaring i-link ang iyong bank account sa Shopee para sa mas mabilis na pagbabayad at pag-cash in.

 

Credit/Debit Card

Magbayad gamit ang mga locally-issued Mastercard, VISA, o JCB credit/debit card na 3DS certified.

Online Banking

Magbayad sa anumang Shopee supported online banking mediums. 

 

Google Pay

Piliin ang Google Pay sa pag-checkout sa Shopee upang makapili ng payment option na naka-save sa iyong Google account. Ito ay para sa mga Android user lamang.

Was this article helpful?
Yes
No