For the English version of this article, click here.
Ang ShopeePay PIN ay ang 6-digit number na ginagamit para i-verify ang iyong identity. Ang PIN ay kailangan para magamit ang ShopeePay sa iba’t ibang transaction.
KInakailangan mong gumawa ng iyong ShopeePay PIN kapag ikaw ay nag-set up ng ShopeePay account. Pumunta sa Me tab > ShopeePay > Set up ShopeePay
⚠️Tandaan Una, i-setup ang phone number mo para ma-activate ang ShopeePay at makagawa ng PIN. Iwasan gumamit ng sunod-sunod na numbers (hal. 123456) o yung kapareho ng Shopee account password mo. Para sa added security, regular na i-update ang ShopeePay PIN mo sa ShopeePay Settings page. |