Hi, how can we help?

Other FAQs related to the Courier Allocation Process (TAG)

For the English version of this article, click here.

 


Ang Courier Allocation Process ay isang feature sa system ng Shopee na nag-a-assign ng pinakamagandang courier batay sa mga factors tulad ng lokasyon ng buyer, service areas ng courier, at mga couriers na pinili ng seller.

 

 

Mga Q&A na may kaugnayan sa pag-update ng shipping system:

 

Q: Bakit in-update ng Shopee ang kanilang shipping system?

A: Ang Courier Allocation Process ay tinitiyak na makakakuha ng pinakamahusay na courier services batay sa mga factors tulad ng cost at efficiency, na nagpapahusay sa karanasan ng buyer sa pamamagitan ng mas abot-kayang at maaasahang delivery.

 

 

Q: Magiging mas mahal ba ang shipping dahil sa mga pagbabagong ito?

A: Ang shipping cost ay nakadepende sa piniling delivery service. Ang courier allocation process ay isinasaalang-alang ang iba't ibang factors para matukoy ang pinaka-angkop na courier.

 

 

Q: Ano ang makikita ko sa App?

A: Sa halip na ipakita ang mga available na couriers, ipapakita ang mga Standard shipping options sa app batay sa iyong lokasyon. Ang Sulit Local  ay para sa mga bulky items.

 

 

Q: Ano ang pagkakaiba ng Standard Local at Standard Delivery?

A: Ang Standard Local ay isang delivery option sa Courier Allocation Process na nag-a-assign ng lahat ng Shopee Supported Logistics, samantalang ang Standard Delivery ay tumutukoy sa pangkalahatang delivery method na available para sa iyong order.

 

 

 

Q: Ano kung hindi ako satisfied sa courier na na-assign sa order ko?

A: Pwede palitan ang assigned courier ng isang beses lamang, sa loob ng isang oras pagkatapos ma-allocate ang courier, o hanggang sa mag-book na ang seller ng pick-up, kung alin ang mauna. Ang pag-change ng courier ay allowed lamang para sa Standard Option at kung may ibang couriers ang seller na available para sa address at parcel size mo.

 

 

Q: Paano ko papalitan ang courier na na-assign sa order ko?

A: Pumunta sa Order Details > piliin ang Change button under Shipping Information > piliin ang ibang courier na kayang magservice sa order mo.

 

 

Q: Pwede pa bang gamitin ang Free Shipping Vouchers (FSV)?

A: Oo, pwede pa rin gamitin ang FSVs, basta't sumusunod sa mga terms and conditions.

 

Was this article helpful?
Yes
No