Hi, how can we help?

Returns & Refunds

Raising requests
Disputes
Resolution

[Dispute Process] How does Shopee handle disputes for returns/refunds?

For the English version of this article, click here.  



Pagkatapos na matanggap ang dispute request, iimbestigahan ng Shopee ang kaso at sisiguraduhing makabuo ng fair resolution pagkatapos suriin ang mga evidence na nai-submit ng buyer at/o seller. Ito’y aabutin ng humigit-kumulang 7-9 working days mula sa petsa nang pag-raise ng dispute, na maaaring mag-iba depende sa dahilan ng return/refund.


Incomplete products/missing items

Para sa mga kaso kung saan nakatanggap ang buyer ng mga product na may kulang na parte o parcel na may nawawalang mga item, maaari silang pumili sa pagitan ng dalawang solution: refund only (without return) o return & refund. Pagkatapos i-review ang kaso, aaprubahan o ire-reject ng Shopee ang return/refund request ng buyer.


1. Inaprubahan ng Shopee ang request para sa refund only

Pagkatapos ma-approve ang request, maaaring i-accept o i-dispute ng seller ang outcome. Kung may nag-raise ng dispute, iimbestigahan muli ng Shopee ang kaso para makabuo ng fair resolution sa loob ng 7-9 working day.


2. Inaprubahan ng Shopee ang request para sa return/refund

Ire-require ng Shopee ang buyer na isauli ang produkto sa seller o sa Shopee Warehouse bago iproseso ang refund. Ang mga isinauling produkto ay isasailalim sa quality check ng seller o Shopee Warehouse team, upang matiyak na ang mga ito ay pasok sa criteria para sa return. Maaaring mag-raise ng dispute kung ang isinauling produkto ay hindi suitable para sa refund. Iimbestigahan muli ng Shopee ang kaso para makabuo ng fair resolution sa loob ng 7-9 working day.



Damaged/faulty/wrong products

Pagkatapos na ma-approve ang return/refund request, maaaring hilingin sa buyer na isauli ang produkto. Bago ipadala ang isasauling produkto, ang seller ay maaaring mag-offer ng partial refund sa buyer. Kung pipiliin naman ng buyer na direktang makipag-usap sa seller, hindi na mamamagitan ang Shopee sa kanilang pag-uusap. Ang buyer ay dapat magdesisyon kung ia-accept ang offer o magpapatuloy sa pag-return para makuha ang full refund.


Kung walang response mula sa buyer o seller, ang negotiation ay mate-terminate at hihingin sa buyer ay hihilingin na ipagpatuloy ang pag-return.


Ang return product ay ipapadala sa seller o Shopee Warehouse, na siyang magsasagawa ng quality check upang matukoy kung ang mga produkto ay pasok sa criteria para sa return. Kung ang produkto ay hindi pasok sa return criteria, ang seller o Shopee Warehouse team ay maaaring mag raise ng dispute. Iimbestigahan ng Shopee ang kaso para makabuo ng fair resolution sa loob ng 7-9 working day.



Counterfeit products (for Mall orders only)

Lahat ng return/refund request sa counterfeit product ay ire-review nang husto ng Shopee, kung saan hihinging mga supporting evidence mula sa parehong buyer at seller bago gumawa ng fair decision. Mayroong 3 posibleng resulta:


1. Inaprubahan ng Shopee ang request para sa refund only

Matatanggap ng buyer ang refund kapag naaprubahan ng Shopee ang request. Maaaring mag-raise ng dispute ang seller pagkatapos ma-refund ang buyer. Iimbestigahan ng Shopee ang kaso para makabuo ng fair resolution sa loob ng 7-9 working day.


2. Inaprubahan ng Shopee ang request para sa return at refund

Hihingiin ng Shopee sa buyer na isauli ang produkto, at ito ay isasailalim sa quality check ng seller o ng Shopee Warehouse team, upang matiyak na ang mga product ay pasok sa criteria para sa return. Ang dispute ay maaari i-raise kung ang isinauling produkto ay hindi karapat-dapat sa refund.  Iimbestigahan ng Shopee ang kaso para makabuo ng fair resolution sa loob ng 7-9 working day.


3. Ni-reject ng Shopee ang request

Ire-reject ng Shopee ang request kung ang initial supporting evidence ng buyer ay hindi valid o hindi sinusuportahan ang piniling return/refund reason.


Kapag may nabuo nang resolution, ipapaalam ng Shopee sa parehong buyer at seller ang resulta via email. Kung ang dispute ay naresolba na pabor sa buyer, ang refund ay ipo-proseso agad para sa buyer. Kung ito naman ay naresolba na pabor sa seller, ang payment ay ibibigay na sa seller. 



Nagkaroon ng Change of Mind (para sa mga produktong may Free Returns Logo lamang)

Lahat ng return/refund request sa Change of Mind ay ire-review nang husto ng Shopee, kung saan hihingi ng mga supporting evidence mula sa parehong buyer at seller bago gumawa ng fair decision. Mayroong 2 posibleng resulta:


1. Inaprubahan ng Shopee ang request para sa return at refund

Hihingiin ng Shopee sa buyer na isauli ang produkto, at ito ay isasailalim sa quality check ng seller o ng Shopee Warehouse team, upang matiyak na ang mga product ay pasok sa criteria para sa return. Ang dispute ay maaari i-raise kung ang isinauling produkto ay hindi karapat-dapat para sa refund. Iimbestigahan ng Shopee ang kaso para makabuo ng fair resolution sa loob ng 7-9 working day.


2. Ni-reject ng Shopee ang request

Ire-reject ng Shopee ang request kung ang initial supporting evidence ng buyer ay hindi valid o hindi sinusuportahan ang piniling return/refund reason.


Kapag may nabuo nang resolution, ipapaalam ng Shopee sa parehong buyer at seller ang resulta via email. Kung ang dispute ay naresolba na pabor sa buyer, ang refund ay ipo-proseso agad para sa buyer. Kung ito naman ay naresolba na pabor sa seller, ang payment ay ibibigay na sa seller. 


Alamin ang tungkol sa Change of Mind Return/Refund.


⚠️ Tandaan

Upang mapabilis ang dispute resolution process, maaaring hilingin ng Shopee sa mga buyer/seller na magsumite ng iba pang mga supporting documents sa loob ng itinakdang panahon bago simulan ang investigation. 

Was this article helpful?
Yes
No