Hi, how can we help?

Other FAQs related to TouchPay (TAG)

For the English version of this article, click here.

 

Q: Paano kung i-abort ng isang customer ang pagbabayad sa kalagitnaan?

A: Ire-redirect ang customer sa pangunahing menu. Kung nagpasok na ng pera ang customer, makakatanggap ang customer ng change card na magagamit sa susunod na transaksyon sa anumang TouchPay automated payment machine (APM). Ang change card ay parang isang resibo na naglalaman ng 16-digit na pin na maaaring ipasok ng customer sa panahon ng pagbabayad.

 

 

⚠️Tandaan

Pipiliin ng user ang button na PALITAN ANG RECEIPT PIN at ilalagay ang 16-digit na pin.



Q: Paano kung ang isang customer ay nagpasok ng hindi sapat na halaga ng cash sa TouchPay APM?

A: Ang customer ay hindi makakapagpatuloy sa pagbabayad. Ang PAY button ay hindi magiging aktibo hanggang ang customer ay magpasok ng sapat na pera.



⚠️Tandaan

Siguraduhing ibigay ang eksaktong halaga ng pera.



Q: Makakatanggap ba ako ng anumang sukli mula sa isang transaksyon?

A: Ang iyong sukli ay hindi direktang ibibigay ng makina. Sa halip, maglalabas ang makina ng PIN ng change receipt na makikita sa iyong resibo. Sundin ang mga nakasulat na instructions na naka-print sa resibo upang malaman kung paano gamitin ang iyong sukli para sa iyong susunod na transaksyon sa TouchPay.

 

Q: Nababago ba ang Change Receipt PIN kapag nag-expire?

A: Ang Change Receipt PIN ay walang expiration. Kaya lang, ito ay ma-dedeactivate pagkatapos ng 3 buwan kapag hindi ito nagamit. Kontakin ang TouchPay hotline para i-reativate ang Change Receipt PIN.

 

Q: Paano kapag nawala ang Change Receipt? Matutulungan ba kami ng Touchpay na ma-track ang Change Receipt details?

A: Oo, Ang TouchPay ay maaaring i-track ang nawalang Change Receipt PIN. Ang customer ay dapay magprovide ng sumusunod na transaction details sa TouchPay’s customer support para ma-check ang status at ilagay ang customer the 16-digit change receipt PIN.

 

Q: Paano kung ang inenter ng customer ay invalid na payment code?

A: (Hal. Kapag ang customer ay nilagay ang maling payment code o cash-in amount na na-cancel). Ang TouchPay APM ay mag-didisplay ng error message.

 

 

Q: Paano kung ang inenter ng customer ay expired?

A: TouchPay APM ay mag-display ng error message.

 

  

 

Q: Gaano katagal bago mag-expire ang payment code pagkatapos magawa ang top-up sa ShopeePay?

A: Mag-e-expire ang mga code sa pagbabayad ng TouchPay pagkatapos ng 5 araw.

 

Q:  Gaano katagal makikita ang halaga ng top-up sa ShopeePay wallet pagkatapos ng matagumpay na pagbabayad sa isang TouchPay APM?

A: Ang halaga ng top-up ay dapat na makikita sa ShopeePay wallet sa loob ng 24 na oras pagkatapos maisagawa ang matagumpay na pagbabayad sa isang TouchPay APM.

 

Q: Paano makikipag-ugnayan ang mga customer sa serbisyo sa customer ng TouchPay?

A: Maaaring makipag-ugnayan ang mga customer sa 24/7 customer support ng TouchPay sa pamamagitan ng pag-dial sa (02) 8 232-8946 o (02) 8 232-8947 o pagpapadala ng email sa custcare@meps.ph

Was this article helpful?
Yes
No