Hi, how can we help?

Returns & Refunds

Raising requests
Disputes
Resolution

[Return Refund] What happens after a seller receives my return/refund request?

For the English version of this article, click here



Ino-notify ang seller tungkol sa iyong return/refund request at dapat siyang mag-respond sa loob ng 2 araw. Mayroong 4 na posibleng resulta na maaari mong asahan:


1. In-accept ng seller ang request

Kung in-accept ng seller ang request, makakatanggap ka ng mga return instruction sa pamamagitan ng in-app push notification (at email, kung applicable). Ang refund ay ipo-proseso pagkatapos ma-check at ma-aprubahan ang mga returned product.



2. Hindi nag-respond ang seller sa loob ng ibinigay na time frame

Kung hindi nag-respond ang seller sa loob ng ibinigay na time frame, ang iyong request ay awtomatikong maa-aprubahan at ang refund ay agad na ipo-proseso.


3. Nag-propose ang seller ng refund negotiation (Bagong Process)

Para sa mga approved returns, maaaring mag-propose ang seller ng isang partial refund (isang adjusted refund amount) nang hindi kailangang ibalik ang item. Magkakaroon ka ng 1 araw para mag-respond sa isa sa mga opsyong ito:

  1. I-accept
  2. Mag-negotiate (nag-propose ng ibang amount)
  3. I-reject at mag-proceed sa return para sa full refund


⚠️ Tandaan

Ang bagong Return/Refund Process ay kasalukuyang applicable sa mga piling Seller o Shop lamang. Ito ay unti-unting ilalabas sa lahat ng seller.


4. Nag-dispute ang seller

Kapag nag-raise ng dispute, ang Shopee ay papasok upang mamagitan sa sitwasyon. Maaaring hilingin ng Shopee ang parehong buyer at seller na magbigay ng karagdagang evidence upang magkaroon ng fair resolution.


   


Alamin kung paano ipadala ang iyong order pabalik sa seller at i-track ang iyong order para sa Return & Refund.

Was this article helpful?
Yes
No