Hi, how can we help?

Conditions and Serviceable Areas for Returns via M Lhuillier (TAG)

For the English version of this article, click here

 

 

Ang M Lhuillier (ML) branches ay tumatanggap ng mga karagdagang item para sa return, basta't mahigpit na sundin ang mga guideline sa ibaba: 

 

Gadgets

  • Kailangang may specs sheet (specification sheet). Ang specs sheet ay naglalaman ng detalye ng mga gadget. (Ito ay maaaring i-search sa Google para sa reference o mga sample - Bilang karagdagang customer service, maaaring i-print ng ML ang specs sa isang luma/bagong bond paper).

  • Dapat na maayos na naka-pack at protektado ng bubble wrap.

 

Appliances

  • Dapat kasama ang orihinal na packaging at may mga protective insert tulad ng Styrofoam, bubble wrap atbp.

  • BAWAL ang mga bulky appliances tulad ng refrigerator, air conditioner, telebisyon, at iba pang malalaking appliances.

 

Kitchenware/Houseware

  • Dapat na maayos na naka-pack at protektado ng mga insert tulad ng karton, papel, Styrofoam, bubble wrap, atbp.

  • Ang mga bagay na fragile o madaling masira ay dapat ipagbigay-alam sa ML head office bago ito tanggapin dahil maaaring magdagdag ng additional fees para sa special handling.

  • Ang mga bulky o malalaking kitchenware/houseware ay hindi tatanggapin.

 

Musical Equipment/Instruments

  • Ang mga item ay dapat na maayos na naka-pack.

  • Kailangang ipagbigay-alam sa ML head office bago ito tanggapin dahil maaaring magdagdag ng additional fees para sa pag-create o special handling.

  • Ang mga bulky o malalaking musical equipment/instrument ay hindi tatanggapin.

 

Beverage

  • Must come with its original packaging if available and must have protective inserts such as cartons, Styrofoam, and bubble wrap.

  • Alcohol content must be properly declared in the item description.

 

  • Kailangang nasa orihinal na packaging nito kung maaari pa at dapat may mga protective insert tulad ng mga karton, Styrofoam, at bubble wrap.

  • Ang alcohol content ay dapat na maayos na nakasaad sa item description.

 

 

⚠️Tandaan

Mangyaring ingatan ang original packaging ng mga parcel na nais mong ibalik. Ang M Lhuillier ay maaari lamang magbigay ng mga libreng pouch at packaging tape sa kanilang branch. Ang mga high-value, fragile, o ang mga item na idineeliver sa isang box packaging ay dapat dalhin kasama ng original box packaging. Kung hindi, maaaring i-reject ng ML ang iyong parcel na hindi nakabalot ng maayos.

 

 

Tumatanggap na ngayon ang M Lhuillier ng return parcels sa NCR, Luzon, Visayas, at Mindanao. I-check ang operational branch detail dahil hindi lahat ng branch ay maaaring tumanggap ng mga return.

 

 

  

⚠️ Tandaan.

Tandaan na maaaring magbago ang operational ML Branches nang walang paunang abiso. 

 

Was this article helpful?
Yes
No