For the English version of this article, click here.
Q: Paano ko malalaman kung ang aking account ay verified o hindi?
A: Pumunta sa iyong ShopeePay wallet at ang mga sumusunod ay makikita bilang acting cards, sa bandang ilalim ng mga service icons:

Q: Ano ang pagkakaiba ng non-verified at ng verified account? Nagagamit ko pa rin naman ang ShopeePay sa ibang mga transaction.
A: Narito ang mga kaibahan sa pagitan ng non-verified at verified:
Features | Non-verified | Verified |
Wallet Balance Pinakamataas na halagang maaaring itago sa ShopeePay wallet | Php 50,000 | Php 100,000 |
Inflow Limit Kabuuang halaga na maaaring matanggap ng iyong ShopeePay wallet | Php 10,000 | Php 100,000 |
Outflow Limit Kabuuang halaga na maaaring ilabas ng iyong ShopeePay wallet | Php 10,000 | Php 100,000 |
Cash-ins Pagde-deposito sa ShopeePay balance mula sa mga bangko, e-wallet, o over-the-counter channel | ✓ | ✓ |
Send Money Pagpapadala ng pera mula sa ShopeePay balance sa iyong contacts, bank accounts, e-wallets, o via QR | X | ✓ |
Payments Paggamit ng ShopeePay Balance bilang pambayad sa mga order, bills, load, merchants, o via QR | ✓ | ✓ |
Send Money Transaction Limits Pag-adjust ng daily at per-transaction limits | X | ✓ |
Payment Transaction Limits Pag-adjust ng daily at per-transaction limits | ✓ | ✓ |
Q: Ano ang mga inflow, outflow, at wallet limits na ito?
A: Ito ay ang mga sumusunod:
Inflow Limit - Kabuuang halaga ng iyong natatanggap sa iyong ShopeePay wallet bawat buwan
Outflow Limit - Kabuuang halaga ng iyong inilalabas sa iyong ShopeePay wallet bawat buwan
Wallet Balance - Maximum amount na maaari mong itago sa iyong ShopeePay wallet
Q: Bakit kailangan kong i-reverify ang aking ShopeePay account?
A: Alinsunod sa requirements ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), may validity period ang identity verification. Makakatanggap ka ng push notification bago ito mag-expire at maaaring hilingin sa iyong i-reverify ang iyong account.
Q: Bakit na-reject ang aking verification?
A: Maaaring na-reject ang iyong verification dahil sa isa o higit pa sa mga sumusunod:
Hindi tugma ang impormasyong inilagay mo sa impormasyon na nasa iyong valid ID.
Malabo, natatakpan, o may glare ang larawan ng iyong valid ID kaya hindi mabasa ang mga detalye.
Malabo o madilim ang kuha ng iyong selfie o facial verification.
Kapag natanggap mo ang rejection notification, ayusin ang issue na nakasaad at mag-apply muli.
Q: Maaari ba akong magkaroon ng higit sa isang ShopeePay Wallet?
A: Hindi. Isang verified ShopeePay Wallet lamang ang pinapayagan para sa bawat user.
Kung mayroon ka nang verified ShopeePay account at gumawa ka pa ng isa pang verified ShopeePay account, ma-re-restrict ang lahat ng duplicate verified accounts. Para patuloy mong magamit ang ShopeePay, kailangan mong mag-retain ng isang verified account lamang.
Alamin kung paano i-activate ang iyong ShopeePay account.