Ang InstaPay ay isang electronic fund transfer (EFT) service kung saan ang mga SPayLater user ay madaling makakapagbayad ng kanilang bills sa pamamagitan ng mobile banking o ng e-wallet. Maaaring magbayad ng iyong SPayLater bills gamit ang GCash, Maya, UnionBank, at marami pang iba.
Ang InstaPay ay bahagi ng National Retail Payment System ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at pinatatakbo ng BancNet.
Benepisyo ng pagbabayad gamit ang InstaPay:
Libre – walang dagdag na bayarin
Ligtas – alinsunod sa global security standards
Madali – Hindi na kailangang mag-withdraw ng cash o maghintay sa mahabang pila
Mabilis makapagbayad sa lahat ng transaksyon
Magagamit 24/7 – buong taon
Magbayad ng SLoan gamit ang InstaPay
Sa SLoan bill page, pindutin ang iyong current loan > Pay Now > > Payment Option > piliin ang InstaPay bilang payment method > CONFIRM > Pay > Save QR Code o i-screenshot ang page.
Kahit anong payment method choice ang iyong ginamit, buksan ang iyong InstaPay-supported app, pindutin ang Scan o Pay via QR > i-upload ang screenshot, at kumpletuhin ang iyong payment > matapos ay bumalik sa Shopee app para sa payment result.
Kapag pumasok na ang iyong payment, makakatanggap ka ng notification sa iyong Wallet Updates folder na ang iyong bayad ay pumasok na. Ang amount ng iyong remaining SPayLater limit ay maga-update sa loob ng 24 oras matapos magbayad.
⚠️Tandaan • Hindi kailangang mag-install o mag-register upang magamit ang InstaPay. • Walang anumang karagdagang bayad sa paggamit ng InstaPay upang bayaran ang iyong SPayLater at SLoan bills. • Ang mga pumasok na payments ay dapat agad na mag-reflect. • Ang InstaPay ay may P50,000 maximum amount per transaction, at walang minimum amount. Gayunman, ang mga e-wallet o app ay maaaring may sariling minimum o maximum amount na hiwalay sa InstaPay. |
Maaari mong kontakin ang Shopee Customer Service kung makaranas ng anumang problema. Gayundin, maaari mo ring kontakin muna ang iyong e-wallet provider o ang iyong bangko.