For the English version of this article, click here.
Kung nakatanggap ka ng mga hindi kumpletong item (kulang o may nawawalang parte), maaari mong sundin ang mga instruction sa ibaba sa pag-file ng Return/Refund request.
Mayroong 2 opsyon para sa pag-request ng return/refund para sa Parcel delivered with missing items:
Solution | What will happen? |
(1) Refund Only | No need to return the received items. Refund will only be for the identified item/part of an item that was not delivered |
(2) Return and Refund | You will need to return all items received to file for a full refund |
-
⚠️Tandaan • Ang return reason na Missing quantity/accessories ay available sa parehong Return/Refund Options na I have received my items but there are issues at I didn’t receive my items. • Ang ibang orders makikita sa Completed tab ay maaari pa ring ipa-return/refund hangga't ang order ay pasok pa din sa Shopee Guarantee Period. |
Piliin ang Return/Refund sa Order Details page > piliin ang angkop na Return/Refund Option > Piliin ang (mga) produkto at bilang ng hindi na-receive > Next > Reason: Missing quantity/accessories > Confirm > Pindutin ang Solution > pumili ng nais na solution > Confirm > Magbigay ng mga kailangang litrato/video bilang ebidensya > Submit.
Kung ang napiling solution ay Return and Refund, kailangan mong pumili ng shipping option upang i-return ang iyong order sa seller: Maaari mong piliin ang Pick Up, Drop Off o Self Arrange para sa iyong return order.
Kapag nai-submit na ang iyong request, mangyaring maghintay para sa resolusyon:
Solution | Anong mangyayari? |
Refund Only | Ire-review ng Shopee ang kaso at babalikan ka para sa resolusyon. |
Return and Refund | Makakatanggap ka ng in-app push notification at e-mail tungkol sa return instruction. |
-
⚠️Tandaan • Kung nakakaranas ka ng mga isyu sa pag-upload ng ebidensya na kailangan para sa return/refund, maaari mong subukan ang aming basic troubleshooting. • Magbigay ng mga angkop na ebidensya para sa bawat return/refund reason. • Maaaring ipasauli pa rin sa buyer ang (mga) item depende sa resulta ng Shopee review. |
Makipag-ugnayan sa Seller tungkol sa iyong return/refund request
Pagkatapos mai-submit ang iyong Return & Refund request, maaari kang kontakin ng Seller upang mag-alok ng counter-offer. Bibigyan ka nito ng 1 araw para tumugon. Narito ang tatlong (3) response options na maaari mong gawin:
1. Accept Proposal
2. Counter Offer
3. I-reject at ituloy ang pagsauli ng item
Para ibalik ang iyong order
Tiyakin na maipadala ang item sa Shopee Warehouse sa loob ng 5 araw. Kapag lumagpas ang 5 araw at hindi ito naipadala, automatically cancelled na ang iyong request. Dapat na maayos na naka-package ang item alinsunod sa Shopee Guidelines. Alamin ang iba pa tungkol sa pag-return ng iyong order.
Para sa Local Marketplace, ang Seller ay may hanggang 3 araw para sumagot at kumpletuhin ang quality check ng item/s mula sa oras kung kailan niya ito na-receive.
Pagkuha ng iyong refund
Para sa Refund Only solution, darating ang refund sa sandaling ma-approve ng Shopee ang iyong request.
Para sa Local Marketplace at mga piling Local Shopee Mall Seller, kapag na-receive at na-validate na ng Seller ang returned item, makakatanggap ka ng notification via in-app push notification or email tungkol sa request approval at instructions kung paano makukuha ang iyong refund payment.
Para sa Shopee Mall at Overseas, matapos na matanggap at ma-validate ng Shopee Warehouse ang returned item, ang iyong refund ay automatically na make-credit na sa iyo.