Hi, how can we help?

Why can’t I use my SPayLater account? (TAG)

For the English version of this article, click here.



⚠️MAHALAGA

Maaaring ipa-update sa’yo ang iyong information kung ang ID ibinigay mo ay expired na, o malapit nang mag-expire. Alamin ang tungkol sa mga tinatanggap na ID.


Narito ang ilang posibleng dahilan kung bakit hindi mo magamit ang iyong SPayLater account

1. Nakita na ang paggamit ng iyong account ay maaaring mapanganib para sa iyong seguridad at ng kumpanya. Maaari mong subukang gamitin muli ang iyong SPayLater matapos ang cooling-off period.



2. Hindi ka nakakapagbayad ng outstanding bill sa iyong SPayLater, SLoan, o SLoan for Sellers account. 

Tandaan na ang mga late payment ay maaaring magdulot ng:

  • pansamantala o permanenteng pag-freeze ng iyong account

  • restricted na paggamit ng Shopee Coins at Vouchers

  • record ng late payments, na posibleng makaapekto sa iyong credit limit

  • payment rejection dahil sa mga di-pangkaraniwang activities sa iyong account


⚠️Tandaan

Ang SPayLater ay hindi mo magagamit dahil sa permanent restrictions dulot ng overdue bill na matagal nang hindi nababayaran.



3. Ang SPayLater ay posibleng hindi makita sa app dahil ito ay available lamang para sa mga piling Shopee users. Bago gamitin ang SPayLater upang magbayad, unawain muna ang detailed terms and conditions upang matiyak kung ikaw ay eligible o kung ang mga payment plans ay angkop sa iyo.



4. Hindi available para sa SPayLater checkout ang item na gusto mong bilhin. 

Hindi maaaring gamitin ang SPayLater sa pagbili ng mga Tickets, Vouchers & Services; Jewelry at Gold, Stones, Minerals, at iba pang collectibles.



5. Hindi sapat ang credit limit ng iyong account. 

Upang makita ang available credit limit, pumunta lamang sa SPayLater page. Kung hindi sapat ang iyong credit limit para makabili gamit ang SPayLater, maaari mong gamitin ang iyong remaining credit limit at ipangdagdag ang iba pang payment method (maliban sa Cash on Delivery at Credit card) bilang iyong pambayad.



6. Frozen ang iyong account dahil sa account review

Para masiguardo ang safety, security, at integrity ng aming mga serbisyo, maaaring pansamantala o tuluyang ma-freeze ang ibang account pagkatapos ng account review.  


Kung ang iyong account ay walang outstanding payments, possibleng ang iyong account ay permanently restricted. Ito ay maaaring dahil sa hindi magandang payment history, kaya hindi ka na maaaring gumamit pa ng SPayLater. Iminumungkahi na basahin muli ang SPayLater Terms & Conditions para sa karagdagang impormasyon.


Kung wala sa mga nabanggit na dahilan kung bakit di mo ma-access o magamit ang iyong SPayLater, maaari mong kontakin ang Shopee Customer Service.



Ano ang dapat kong gawin kapag frozen ang aking SPayLater account?

Maaaring frozen ang iyong SPayLater account dahil sa: mga outstanding SPayLater, SLoan, o SLoan for Sellers bill, account reviews, at iba pang mga account restriction na nakasaad sa aming Terms and Conditions.


Maaaring hindi mo na magagamit ang mga Shopee benefits gaya ng Vouchers at Coins kung patuloy na hindi mababayaran ang iyong SPayLater bill, na pwede ding humantong sa freezing ng iyong Shopee account hangga’t ang outstanding balance ay nabayaran na.


Narito ang mga dapat mong gawin:

• Kung ang iyong account ay frozen, tiyakin na mabayaran at mai-settle ang overdue balance.

• Pag hindi pa rin reactivated ang iyong SPayLater account pagkatapos magbayad o di kaya’y nakakaranas ka ng mga technical issue sa paggamit ng payment option na ito, subukan ang basic troubleshooting upang ma-refresh ang iyong app.

• Maaaring magbayad ng SPayLater bill ng advance. Sa ngayon, maaari mong bayarang ang future monthly SPayLater bill/s sa pamamagitan ng pagpunta sa Upcoming Bill at piliin ang buwan na nais mong bayaran.


⚠️Tandaan

• Kasalukuyang available lamang para sa mga piling user ang SPayLater Bills Payment.

• Maaaring manatili ang ibang account restrictions para matiyak na secure at compliant ang inyong account sa aming service guidelines.



Alamin ang iba pang dahilan kung bakit na-reject ang iyong SPayLater application at iba pang katanungan.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied