Hi, how can we help?

Why can’t I use my SPayLater account? (TAG)

For the English version of this article, click here.



⚠️IMPORTANTE

Maaaring hilingin sa iyo na i-update ang iyong information tulad ng ID na dating isinumite dahil maaaring ito ay expired na o malapit nang mag-expire. Alamin ang tungkol sa acceptable IDs.



Narito ang ilang posibleng dahilan kung bakit hindi mo magamit ang iyong SPayLater account:

1. Nakita na ang paggamit ng iyong account ay maaaring mapanganib para sa iyong seguridad at ng kumpanya. Maaari mong subukang gamitin muli ang iyong SPayLater matapos ang cooling-off period.


2. Mayroon kang di-nababayarang outstanding bill sa iyong SPayLater, SLoan, o SLoan for Sellers account. Maaaring magresulta ang mga late payment sa:

  • pansamantala o permanenteng pag-freeze ng iyong account,

  • restricted na paggamit ng Shopee Coins at Vouchers

  • record ng late payments, na posibleng makaapekto sa iyong credit limit,

  • payment rejection dahil sa mga di-pangkaraniwang activities sa iyong account.


⚠️Tandaan

Ang SPayLater ay hindi mo magagamit dahil sa permanent restrictions dulot ng overdue bill na matagal nang di-nababayaran.


3. Ang SPayLater ay posibleng hindi makita sa app dahil ito ay available lamang para sa mga piling Shopee users. Bago gamitin ang SPayLater upang magbayad, unawain muna ang detailed terms and conditions upang matiyak kung ikaw ay eligible o kung ang mga payment plans ay angkop sa iyo.


4. Hindi available para sa SPayLater checkout ang item na gusto mong bilhin. 

Hindi available sa SPayLater ang mga Tickets, Vouchers & Services; Jewelry and Gold, Stones, Minerals, at Other Collectibles.


5. Hindi sapat ang credit limit ng iyong account. 

Upang makita ang available credit limit, pumunta lamang sa SPayLater page. Kung hindi sapat ang iyong credit limit para makabili gamit ang SPayLater, maaari mong gamitin ang iyong remaining credit limit at ipangdagdag ang iba pang payment method (maliban sa Cash on Delivery at Credit card) bilang iyong pambayad.


Kung ang iyong account ay walang outstanding payments, possibleng ang iyong account ay permanently restricted. Ito ay maaaring dahil sa hindi magandang payment history, kung kaya hindi ka na maaaring gumamit pa ng SPayLater. Iminumungkahi na basahin muli ang SPayLater Terms & Conditions para sa karagdagang impormasyon.



Ano ang dapat kong gawin kapag frozen ang aking SPayLater account?

Frozen ang iyong SPayLater account dahil meron kang outstanding SPayLater, SLoan, o SLoan for Sellers bill. 


Maaaring hindi mo na magagamit ang mga Shopee benefits gaya ng Vouchers at Coins kung patuloy na hindi mababayaran ang iyong SPayLater bill, na maaari ding humantong sa freezing ng iyong Shopee account hangga’t ang outstanding balance ay nabayaran na.


⚠️Tandaan

• Kung ang iyong account ay frozen, tiyakin na mabayaran at mai-settle ang overdue balance.

• Pag hindi pa rin reactivated ang iyong SPayLater account pagkatapos magbayad o di kaya’y nakakaranas ka ng mga technical issue sa paggamit ng payment option na ito, subukan ang basic troubleshooting upang ma-refresh ang iyong app.

• Maaaring may bayad ng SPayLater bill ng advance. Sa ngayon, maaari mong bayarang ang future monthly SPayLater bill/s sa pamamagitan ng pagpunta sa "Upcoming Bill" at piliin ang buwan na nais mong bayaran.

• Kasalukuyang available lamang para sa mga piling user ang SPayLater Bills Payment.

 

Kung wala sa mga nabanggit na common reasons kung bakit di mo ma-access o magamit ang iyong SPayLater, maaari mong kontakin ang Customer Service.



Alamin ang iba pang dahilan kung bakit na-reject ang iyong SPayLater application at iba pang related article.


Was this article helpful?
Yes
No