Hi, how can we help?

[ShopeePay] What is the ShopeePay Statement of Account? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Ang ShopeePay Statement of Account ay naglalaman ng lahat ng iyong mga ShopeePay transaction sa isang buwan, at nagpapakita ng lahat ng mga outgoing at incoming fund na dumaan sa iyong ShopeePay wallet. Ang Statement of Account mo para sa kasalukuyang buwan ay maaaring i-download bilang PDF pagkatapos ng naturang buwan.

 

 

 

Para i-download, pumunta sa iyong ShopeePay Wallet page > Last Transactions > pindutin ang Download Icon na nasa Transaction History page > pumili ng Statement of Account period > Download as PDF.

 

 

 

Frequently Asked Questions

Q: Ano ang kaibahan ng ShopeePay Statement of Account vs. ShopeePay Billing & Receipts Email?

A: Ang Statement of Account ay naglalaman ng lahat ng mga outgoing at incoming fund na dumaan sa iyong ShopeePay wallet, at nagpapakita ng lahat ng iyong mga ShopeePay transaction sa nakaraang buwan. Maaari itong i-download mula sa Transaction History ng iyong ShopeePay Wallet.

 

Samantala, ang ShopeePay Billing & Receipts, na buwanang ipinapadala sa iyong registered email, ay naglalaman lamang ng mga bayaring siningil at direktang ibinayad sa ShopeePay at/o ang iyong mga cash-in transaction via Direct Debit, Over-the-Counter (OTC), Non-Bank at Online channels sa loob ng nakaraang buwan.



Q: Sino ang maaaring mag-download ng ShopeePay Statement of Account?

A: Sinuman na mayroong activated ShopeePay account ay maaaring mag-download ng Statement of Account mula sa ShopeePay Transaction History ng kanilang account.



Q: Kailan ako makakakuha ng aking Statement of Account?

A: Ang Statement of Account para sa kasalukuyang buwan ay magiging available lamang matapos ang buwan, kaya’t asahan ito tuwing unang araw ng mga susunod na buwan. Ang mga nakaraan buwan ay available pa ring ma-download sa iyong ShopeePay Transaction History nang hanggang 12 buwan.

 

⚠️Tandaan

Tanging ang mga Statement of Accounts mula November 2023 ang available para ma-download mula sa ShopeePay Transaction History. Para sa mga transaction bago ang November 2023, maaari itong makita sa pamamagitan ng pag-filter ng petsa nito sa iyong Transaction History.



Q: Ano ang laman ng Statement of Account?

A: Ang Statement of Account ay naglalaman ng lahat ng iyong ShopeePay transaction sa loob ng piniling period, gaya ng mga sumusunod:

  • Cash-ins

  • Outgoing at/o incoming fund transfers

  • Withdrawals

  • Payments (hal. Shopee Marketplace, ShopeePay Merchant, QR Ph, atbp.)

  • Refunds

  • ShopeePay Bonus 

  • ShopeePay wallet adjustments



Q: Ano ang kailangan gawin pagkatapos ma-download ang Statement of Account?

A: Mabuting suriin ang iyong Statement of Account upang matiyak na ang lahat ng transaction ay valid. Ituturing ng ShopeePay na ang Statement at ang lahat ng mga transaction details ay tama at katanggap-tanggap kung walang anumang concerns ang ipaparating sa loob ng 30 araw mula sa statement date.



Q: Kanino ako maaaring lumapit para sa anumang tanong o concern tungkol sa aking Statement of Account?

A: Para sa anumang katanungan, maaaring kontakin ang ShopeePay Customer Service.

Was this article helpful?
Yes
No