For the English version of this article, click here.
Mahalaga na ang smartphones sa araw-araw, kaya’t target din ito ng mga kriminal—hindi lang para ibenta kundi para rin sa personal at financial info na naka-save dito. Kapag nawala o nanakawan ka ng phone, gawin agad ang mga sumusunod:
1. Manatiling kalmado para malinaw ang isip at makakilos nang maayos.
2. Hanapin ang phone. Gumamit ng Find My iPhone (iOS) o Find My Device (Android).
3. I-lock at i-erase ang data. Kung hindi na mahanap, i-lock remotely at i-erase ang laman para hindi magamit ang personal information mo.
4. Ipaalam agad sa service providers at bank.
Tawagan ang bank mo para i-suspend o i-lock ang account.
Kontakin ang mobile service provider para i-disconnect ang SIM at maiwasan ang unauthorized use.
5. MAHALAGA: Kontakin agad ang Shopee Customer Service gamit ang Live Chat o Internet Call sa ibang device o browser para i-report ang incident.
Makakatulong ito para maiwasan ang hindi awtorisadong paggamit ng iyong ShopeePay wallet o SPayLater & SLoan (kung naka-activate).
Ang Internet Call option ay nasa pinakababa ng Help Center.
⚠️ Tandaan SeaMoney Financial Products ay kinabibilangan ng ShopeePay, SPayLater, SLoan, at Insurance. |
6. I-report sa National Telecommunications Commission (NTC):
Maghanda ng proof of ownership at isang valid ID.
Kumpletuhin at ipa-notaryo ang blocking form, tapos i-submit gamit ang link na ito.
Kapag na-block na ng NTC ang Phone Address, magiging hindi na magagamit ang phone.
7. Sabihan ang pamilya at kaibigan. Para hindi sila malinlang ng mga scammer na nagpapanggap na ikaw gamit ang accounts mo.
Ano ang mga maaaring gawin upang maiwasan ito?
Para sa karagdagang tulong, maaaring kontakin ang Consumer Welfare and Protection Division (CWPD) ng NTC:
Email: Consumer@ntc.gov.ph
Contact numbers: 8-921-3251, 8-926-7722
Alamin kung paano makaiwas mula identity theft, at paano pangalagaan ang iyong finances sa SeaMoney.