Hi, how can we help?

Returns & Refunds

Raising requests
Disputes
Resolution

Other FAQs related to Returns via SPX Express in Return & Refund (TAG)

For the English version of this article, click here.



Q: Kailangan ko bang bayaran ang return shipping fee?

A: Hindi po, walang shipping na kailangan bayaran kung pinili mo ang Pick Up. Ipadala lamang ang iyong parcel via Pick Up sa SPX Express.


Gayunman, kung Self Arrange ang iyong pinili para isauli ang iyong parcel, ang return shipping fee ay kailangang abonohan muna ng Buyer at maaari naman itong ma-refund kapag nakumpleto na ang refund process.



Q: Maaari ko bang gamitin ang SPX Express para magsauli ng malalaking item? 

A: Sa ngayon, pinapayagan lamang na isauli ang mga items na may kabuuang bigat na hindi hihigit sa 6kg, at may laki na hindi lalagpas sa 100 cm. 



Q: Bakit hindi ko makita ang SPX Express shipping option sa aking order? 

A: Ang Pick Up ay available lamang sa mga piling serviceable area at para lamang sa mga parcel na pasok sa nakatakdang sukat at timbang. Ang Pick Up service para sa mga return ay magiging available din para sa lahat ng buyer location balang araw. Sa ngayon, maaari mong piliin ang Drop Off, o ang Self Arrange para sa item na nais isauli. 



Q: Bakit hindi ko mapili ang Pick Up as a return shipping option after selecting a different address?

A: Ang Pick Up ay available lamang sa mga piling serviceable area. Kung ikaw ay pumili ng ibang enrolled address at ito ay lumabas na unserviceable, ito ay mage-error at hindi ka na makakapag-patuloy sa iyong booking request. Subukang pumili ng iba pang address.

 

 

Q: Sa akin ba manggagaling ang mga gagamitin kong packaging materials?

A: Opo, at iminumungkahi na gamitin mo pa rin ang original packaging ng item na iyong natanggap. Ang mga high-value, mga babasagin, at mga item na naka-karton ay dapat na ipadala kasama ang original box packaging. Kundi, maaaring hindi tanggapin ng SPX Express ang iyong parcel kung hindi ito nakabalot ng mabuti. Kung nasira naman ang pouch nang buksan mo ang order, maaari kang gumamit ng ibang pambalot para ma-secure ang item.



Q: Ano ang kailangan kong ilagay sa aking return parcel bilang label nito?

A: Kung ikaw ay may printer, maaaring i-download ang digital copy ng Air Waybill upang mai-print ito at maidikit sa parcel bago ibigay sa SPX Express Rider. Kung wala ka namang printer, maaari mong isulat na lamang sa parcel ang Tracking Number na makikita sa Return/Refund Details page. Tiyakin lamang na ito ay malinaw at tama upang hindi magkaroon ng problema sa pagde-deliver.

 

 

Q: Ano ang kailangan kong ipakita sa SPX Express rider sa pag-abot ng aking parcel?

A: Kailangan mong ipakita ang QR Code na nasa Return/Refund Details page upang ito ay ma-scan ng rider at makumpirma ang iyong isasauli. Kung hindi naman lumalabas ang QR code, maaaring ipakita na lamang sa kanya ang tracking number para sa manual input. 

 


Q: Pwede ko pa bang i-cancel ang aking return request kung ang parcel ay ide-deliver na pabalik sa Seller?

A: Hindi na po. Maaari mo lamang i-cancel ang iyong return request kung ang parcel ay nasa iyo pa.



Q: Paano kung wala ako nang dumating ang SPX Express rider sa aking Pick Up location?

A: Kung wala ka pagdating ng SPX Express rider, siya ay awtomatikong susubok ng pangalawang Pick Up attempt. Ngunit pag lumagpas na sa 2 failed pickups, ang Return/Refund request ay maka-cancel na. Kung nais pa rin ng buyer na ituloy ang return/refund, maaari siyang mag-file muli ng request hanggang ito ay pasok pa sa Shopee Returns Window.

 

 

Q: Paano kung hindi dumating ang SPX Express rider sa scheduled Pick Up date?

A: Hintayin lamang ang rider kinabukasan. Kung hindi pa rin ito dumating, maaari mong i-cancel ang request at gumawa ng panibago habang ito ay pasok pa sa Shopee Returns Window. Tandaan na maaari mo lamang pindutin ang Return/Refund button sa loob ng 24 oras mula nang makansela ang iyong unang request.

 

⚠️ Tandaan

Ang Pick Up ay available lamang sa mga piling serviceable area at magiging available din para sa iba pang lugar balang araw.

 

 

Q: Kailangan ko bang i-upload ang aking SPX Express waybill?

A: Hindi po. Ang SPX Express ay agad na maga-update ng status kapag nakuha na ang iyong parcel. Kung walang status update sa loob ng 24 oras, kontakin ang Shopee Customer Service via chat.



Q: Pwede ko bang palitan ang aking piniling pick-up date?

A: Opo, maaari mong palitan ang napiling pickup date sa pamamagitan ng pagpindot sa CHANGE button na makikita sa Return Instructions page. Uulitin lamang ang buong booking process (pagpili ng pick-up address at pick-up date) at bibigyan ka nag BAGONG Tracking Number. Kailangang mai-update din ang Tracking Number na isusulat sa parcel na ipapakita sa rider. (Isang beses lamang maaaring palitan ang shipping option. Kung ang unang piniling shipping option ay ang Drop Off, ang pagpapalit nito sa Pick Up ay ituturing nang final).



Alamin ang tungkol sa pagre-raise ng return/refund request and pagkuha ng iyong refund.
Was this article helpful?
Yes
No