Hi, how can we help?

What is Auto Repayment for SPayLater Bills? (TAG)

For the English version of this article, click here.


Ang Auto-repayment ay automatic na nagbabayad ng SPayLater bill sa pamamagitan ng pag-deduct ng amount mula sa naka-link mong account. Sa ngayon, ShopeePay lamang ang maaaring gamitin para sa feature na ito.

Benefits of using Auto-Repayment

  • Libre – walang dagdag na bayad para gamitin ang feature na ito

  • Tipid sa pera – Maiiwasan ang mga late fee at penalties 

  • Tipid sa oras – hindi na kailangan pang mag login upang magbayad ng SPayLater bills



Paano Magsubscribe sa Auto-Repayment?

Sa SPayLater homepage, piliin ang Subscribe > piliin ang Enable Payment Channel > magdagdag o pumili ng Payment Method > pindutin ang I Agree > OK.


Subscribing-SPL-Auto-Repayment-TAG.gif


Kapag pumasok na ang Auto-repayment, makakatanggap ang user ng notification na successful ang transaction kasama ang nabayarang amount.


Successful Auto-Repayment.png



Kapag unsuccessful ang Auto-repayment, makakatanggap pa rin si user ng notification na nagsasabi na hindi ito gumana kasama ang halaga ng bill na hindi nabayaran.


Unsuccessful Auto-Repayment.png



Paano mag-Unsubscribe sa Auto-Repayment?

Mula sa SPayLater homepage, pumunta sa Settings > pindutin ang Auto-Repayment > sa ilalim ng Linked Services, piliin ang SPayLater Repayment > pindutin ang Unsubscribe > Confirm.


Unsubscribing-SPL-Auto-Repayment-TAG.gif



⚠️Tandaan

· Siguraduhin na may sapat na laman ang piniling payment method upang maging successful din ang auto-repayment transaction.  

· Para makita kung naka-subscribe ang user sa Auto-repayment, pumunta lamang sa auto-repayment tab sa loob ng settings page para makita ang status.

· Kung ang user ay subscribed, ang status na lalabas ay Subscribed na may kasamang green check mark.

· Kung hindi naka subscribe ang user, ang status na nakalagay ay Subscribe.

· Ang ShopeePay, kahit partially o fully verified, ay maaaring i-link sa SPayLater kung naka-activate.  

· Makikita ng mga users ang auto-repayment transactions sa SPayLater transactions page.  

· Hindi maaaring baguhin ang oras at petsa ng auto-repayment.  

· Ang auto-repayment ay hindi maaaring gamitin sa partial payments.  

· Libre ang serbisyo, walang karagdagang registration o installation na kailangan.



Maaari mong kontakin ang Shopee Customer Service kung magkaroon ng anumang problema.

Was this article helpful?
Yes
No