Hi, how can we help?

[Credit] How to protect yourself from Identity Theft? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Dahil dumarami ang online scams, siguraduhin na sa mga lehitimong online lenders ka lang makipag-transact. I-check muna ang:

  • SEC registration at license

  • Customer reviews at experiences

  • Malinaw na terms and conditions

 

Patuloy na nag-e-evolve ang mga scammers, kaya importante na laging maging maingat at protektahan ang iyong personal at financial information.

 

Paano nanloloko ang mga Fake Online Lenders?

 

  • Humihingi ng paunang bayad kapalit ng mas malaking halaga ng utang.

  • Nang-aakit ng biglaang yaman o mabilis na kita.

  • Nagkukunwaring kaanib ng mga kilalang kumpanya upang makuha ang tiwala ng tao.

 

Ang mga pekeng online lenders ay ginagamit ang pangalan ng mga legitimate lenders gaya ng SeaMoney (Credit) at Shopee upang makakuha ng pera sa ibang tao. Narito ang halimbawa ng mga pekeng email:




Kinukuha ng mga Fake Online Lenders ang mga Personal Identifiable Information (PII) gaya ng:






Mga Tips para Maiwasan ang Identity Theft

  • Gumamit ng ligtas at mapagkakatiwalaang channels kapag magbabahagi ng sensitibong impormasyon.

  • Huwag kailanman mag-post ng larawan ng government ID online, dahil maaari itong gamitin ng scammers para magpanggap bilang ikaw.

  • Mag-ingat sa mga links at attachments—iwasang buksan ang mga galing sa hindi kilalang sender upang maiwasan ang phishing o malware.

Alamin pa ang iba pang tips kung paano mase-secure ang iyong financial account sa Shopee.


I-report ang mga panloloko, mga scam, at pang-aabuso kaugnay ng lending at investment sa mga sumusunod:


  • SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION

Address: Ground Floor, North Wing Hall, Secretariat Building PICC Complex, Vicente Sotto Street, Pasay City 1307


  • Corporate Governance and Finance Department

Email: cgfd_md@sec.gov.ph

SEC i-Messagemo: http://imessagemo.sec.gov.ph

Telephone: (02) 8818 5476; (+63) 9260170248


  • Enforcement and Investor Protection Department (Reports related to Investment Scams)

Email: epd@sec.gov.ph

Telephone: (02) 8818-6337; (+63) 961-519-7829; (+63) 961-684-4088



Ang SeaMoney (Credit) Finance Philippines, Inc. na nasa likod ng SPayLater at SLoan ay pinangangasiwaan ng Securities and Exchange Commission na may SEC Registration No. CS202005382 at Certificate of Authority No. 1279.

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied