Hi, how can we help?

Can I still raise a return & refund to cancel my order if it's already in transit? (TAG)

For the English version of this article, click here.



Maaari ka nang humingi ng refund kahit na on-the-way pa lang ang order mo. Magagawa mo ito kung ang iyong order ay ipinadala gamit ang SPX Express.

 



Para mag-request ng In-transit Return/Refund

Sa Order Details page, pindutin ang Return/Refund > Pumili ng reason > Confirm > Submit.


 

Para malaman ang status ng iyong request

Makakatanggap ka ng notification tungkol sa iyong In-transit Return/Refund sa loob ng 48 oras mula nang ito’y ni-request.

 

 

Ang iyong request ay magiging depende kung kaya pang harangin ng Shopee ang delivery ng iyong order. Makakatanggap ka ng notification tungkol sa iyong In-transit Return/Refund sa loob ng 48 oras mula nang ito’y ni-request.

 

 

Approved

Rejected

• Kapag nagawang harangin ng Shopee ang iyong parcel, ang in-transit return/refund request ay maa-aprubahan, at isasauli ang iyong bayad.

• Ang parcel ay ipapadala pabalik sa seller.

• Kung hindi naharang ng Shopee ang iyong order, mare-reject na ang iyong return/refund request, at patuloy na idedeliver ang iyong order.

• Maaari kang mag-request ng Return/Refund matapos matanggap ang iyong order kung may issue sa parcel o kung ito ay namarkahan bilang delivered ngunit di ito natanggap.



⚠️ Tandaan

Maaari lamang mag-request ng isang (1) In-transit Return/Refund request bawat order. Kung ito ay kinansel o ni-reject ng Shopee, hindi na maaaring mag-request muli.
Ang mga In-transit Return/Refund request para sa mga eligible Overseas orders ay maaaring gawin bago dumating ang parcel sa Overseas Transit Warehouse o sa Last Mile Hub (for SPX couriers).
Ang mga digital products (hal. e-vouchers) ay hindi pasok sa In-transit Return/Refund.

Kapag naging matagumpay ang iyong In-transit Return/Refund request, matatanggap mo ang full refund kasama ang shipping fee, base sa binayarang halaga.

Kung ang parcel ay nakarating na sa delivery hub, hindi na maaaring mag-request ng in-transit refund. Maaari ka na lamang mag-file ng Return/Refund pagdating sa iyo ng item.

Kung ikaw ay nag-cancel ng in-transit refund request, hindi ka na maaari pang mag-file nito muli para sa parehing order. Maaari ka pa ring mag-file ng Return/Refund pagdating sa iyo ng item.

 

Are you satisfied with the article?
Satisfied
Unsatisfied